1,555 total views
Karapatan ng mga grupong mula sa ibat-ibang sektor ng lipunan, higit ng mga manggagawa na magtayo ng union na magtataguyod sa kanilang karapatan at kapakanan
Ito ang paninidigan ni Vladimer Quetua – Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa pagsisimula ng International Labor Organization High Level Tripartite Mission (ILO-HLTM).
Umaasa si Quetua na sa isinasagawang ILO-HLTM ay mabibigyang katarungan ang mga manggagawang pinaslang at nakaranas ng paniniil.
Isinulong ni Quetua sa pagpupulong ang pagdakip ng mga hindi pa nakikilang indibidwal kila Dyan Gumanao and Armand Dayoha ngayong Enero 2023.
Si Gumanao ang Coordinator ng ACT Region 7 na isang pag-atake sa karapatan ng mga manggagawa at mga guro.
“Kaya kami ay optimistic sa ginaganap na misyong ito, maipakita’t mapanagutan yung mga pagkakasala sa mga karapatan dahil nga sa usapin sa pag-oorganisa, kasi ang pag-unyon na lamang ang tangi naming sandata sa pagsusulong ng karapatan pero ito ay tuloy-tuloy na niyuyurakan ng gobyerno,” panayam ng Radio Veritas kay Quetua.
Batay sa datos ng International Trade Union Confederation at mga labor groups ng Pilipinas, umaabot na sa mahigit 60-kaso ng mga pagpaslang ang naitala simula pa noong 2016 hanggang sa kasalukuyan.
Una ng nakiisa sa ILO-HLTM si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – Chairman ng Church People Workers Solidarity upang mabigyan ng katarungan ang mga nakaranas ng karahasan at napaslang na mga labor leaders at members.