CBCP-ECHC, duda sa hospital privitization

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,658 total reads

Hinamon ng Health Care Commission ng simbahan ang pamahalaan na paigtingin at pagandahin ang serbisyo pangkalusugan ng bansa.

Ayon kay Fr. Dan Cancino, MI, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care, dapat paglaanan ng malaking pondo sa pagpapabuti sa sektor ng kalusugan ng Pilipinas lalo na sa mga mahihirap.

Ito ang hamon ng kumisyon sa usapin ng pagsasapribado ng mga ospital na bagamat mas mapapaganda ang serbisyo at mga pasilidad ay kaakibat naman ang pagtaas ng presyo sa mga serbisyo na pagsasantabi sa mga mahihirap.

“Kaya itong privitization na ‘to kahit na dati pa, ang simbahan, ang advocacy ay mas pag-igtingin ng ating gobyerno ‘yung ating mga public health services. I-improve n’ya ‘to, gawin itong mas accessible at mas available lalong-lalo na sa mahihirap,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Panawagan din ni Fr. Cancino sa pamahalaan na ibilang sa layuning pagpapabuti sa healthcare sector ng bansa ang pagpapagaling sa mga pasyente sa halip na kita.

Nilinaw naman ng pari na kinikilala at pinapahalagahan ng simbahan ang pagsisikap ng pamahalaan na mapabuti ang serbisyo ng kalusugan sa bansa ngunit iginiit na kaya pa itong palawigin at pagbutihin para sa mga mahihirap.

“Kung titingnan natin, meron pang pwedeng gawin. At itong privitization ng ating mga hospitals, kailangang dapat hindi iilan lang ang mga nag-uusap dito. Dapat i-consult ang lipunan, mga komunidad, mga may karamdaman, kasi sila ay hindi lang beneficiary pero kaakibat sila doon sa buong health care system natin,” saad ni Fr. Cancino.

Taong 2019 nang lagdaan ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na maging batas ang Universal Health Care Law na inaasahang magbubunga ng malawakang pagbabago sa public health sector ng bansa.

Suportado ng simbahan ang bawat layunin at adhikain ng pamahalaan lalo na sa pagpapabuti sa sektor ng kalusugan ng bansa para sa kapakanan ng nakararami lalo’t higit ang mga nasa mahihirap na sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 77,708 total reads

 77,708 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 109,437 total reads

 109,437 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 211,263 total reads

 211,263 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 251,822 total reads

 251,822 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 269,127 total reads

 269,127 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 137,372 total reads

 137,372 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top