Warning: Trying to access array offset on value of type bool in /home/veritasp/public_html/wp-content/plugins/elementor-pro/modules/dynamic-tags/tags/post-featured-image.php on line 39

Warning: Trying to access array offset on value of type bool in /home/veritasp/public_html/wp-content/plugins/elementor-pro/modules/dynamic-tags/tags/post-featured-image.php on line 39

Warning: Trying to access array offset on value of type bool in /home/veritasp/public_html/wp-content/plugins/elementor-pro/modules/dynamic-tags/tags/post-featured-image.php on line 39

Warning: Trying to access array offset on value of type bool in /home/veritasp/public_html/wp-content/plugins/elementor-pro/modules/dynamic-tags/tags/post-featured-image.php on line 39

Warning: Trying to access array offset on value of type bool in /home/veritasp/public_html/wp-content/plugins/elementor-pro/modules/dynamic-tags/tags/post-featured-image.php on line 39

Mahal na araw, pinakarurok ng pagdiriwang ng mga Kristiyano.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 337 total views

Ito ang inihayag ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco, sapagkat sa mga Mahal na Araw ipinakita ng Diyos ang kanyang malalim at marubdob na pagmamahal sa tao.

Dagdag pa ng Obispo, ang pagmamahal na ito ay kanyang ipinamalas nang hindi niya ipagkait ang kanyang anak na nag-alay ng sarili upang tubusin sa kasalanan ang sanlibutan.

“Ito ang pinakarurok ng pagdiriwang sa buong taon kaya tinatawag nating mga mahal na araw of course bawat araw ay mahal, at ipinapakita ng Diyos ang kaniyang pagmamahal sa iba’t ibang paraan. Kaya nga itong mga mahal na araw, ito’y mga araw na nakafocus tayo kung saan pinakita ng Diyos ang kanyang malalim, marubdob na pagmamahal sa tao, hindi ipinagkait ng Diyos ang kanyang anak, inialay at ang Diyos si Hesus, kusang ipinagkaloob, inialay ang kanyang sarili para tayo ay tubusin,” pahayag ng Obispo sa panayam ng Veritas patrol.

Kaugnay dito, ipinaalala ng Obispo sa mga mananampalataya na mahalagang magsumikap ang tao upang masuklian ang pagmamahal na ipinamalas ng Diyos.

Ayon kay Bishop Ongtioco sa pamamagitan ng pagsusumikap na magpakabanal at paggawa ng kabutihan sa kapwa ay naipadadama din tao ang kanyang pagmamahal sa Panginoon.

Bukod dito, sa pagsasakripisyo para sa kapwa ay nagiging kabahagi na rin ang tao sa ginawang pagpapakasakit ni Hesus sa Krus.

“Ito ay isang mabigat na dahilan kung bakit kailangan tayong magsikap upang maging mabuting-tao at magpakabanal dahil sa awa at pagmamahal ng Diyos. Tayo’y makibahagi sa kanyang buhay, at tayo’y makikibahagi sa kanyang buhay kapag tayo’y nagsisikap, maging banal, makinig at isabuhay ang ating pananampalataya ang kanyang salita at mga turo.” Paalala ng Obispo.

Ang Diyosesis ng Cubao ay binubuo ng 47 na parokya na nahahati sa 6 na bikaryato. Ito ay may humigit-kumulang 50 na pari at 1, 268, 811 na binyagang Katoliko.

Matatandaang tayo rin ay pinaalalahanan ni Pope Francis na ngayong mga Mahal na Araw, ating ituon ang ating paningin kay Hesus at humingi ng biyaya na ating mas maintindihan ang misteryo ng kanyang pagpapakasakit alang-alang sa atin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 52,640 total views

 52,640 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 48,509 total views

 48,509 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 84,711 total views

 84,711 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 93,268 total views

 93,268 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 118,160 total views

 118,160 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 325,008 total views

 325,008 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top