Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mahalaga ang pananalangin ng Santo Rosaryo

SHARE THE TRUTH

 14,936 total views

Naniniwala ang pangalawang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalaga ang pananalangin ng Santo Rosaryo lalo’t higit para sa nagaganap na kaguluhan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ito ang bahagi ng mensahe ni CBCP Vice President, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara kaugnay sa One Million Children Praying the Rosary for Unity and Peace ng pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need na isinagawa sa Immaculate Conception Cathedral ng Diyosesis of Pasig.

Ayon sa Obispo, napapanahon ang sama-samang pananalangin ng Santo Rosaryo ng mga kabataan lalo na upang ipanalangin ang iba’t ibang kaguluhan at karanasan na nagaganap sa daigdig.

“This will be something that we need at this time knowing the situation in different parts of the globe in our world.” Ang bahagi ng mensahe ni Bishop Vergara.

Nagpasalamat naman ang Obispo sa Aid to the Church in Need-Philippines sa pagbibigay ng pagkakataon sa Diyosesis ng Pasig upang magsilbing host sa muling pagsasagawa ng One Million Children Praying the Rosary campaign ng face-to-face makalipas ang tatlong taon mula ng maganap ang COVID-19 pandemic noong taong 2020.

Paliwanag ni Bishop Vergara, napapanahon ang sama-samang pananalangin ng Santo Rosaryo ng mga mag-aaral mula sa Pasig Catholic College sa kasalukuyang pagdiriwang ng diyosesis ng ika-450 anibersaryo ng pananampalatayang Kristiyano at ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng Pasig bilang isang diyosesis.

“What a great event at this time when the church of Pasig celebrates its 450th anniversary, and also the 20th anniversary of the diocese. Let us together pray for peace in our families, peace in our communities.” Dagdag pa ni Bishop Vergara.

Isinagawa ang One Million Children Praying the Rosary campaign sa Immaculate Conception Cathedral ng Diocese of Pasig noong ika-18 ng Oktubre, 2023 ganap na alas-nuebe ng umaga kung saan pinangunahan ang gawain ng mga mag-aaral mula sa Pasig Catholic College at mga seminarista ng Our Lady of Guadalupe Minor Seminary.

Layunin ng Worldwide Prayer Event na isulong ang pagkakaisa at kapayapaan sa pamamagitan ng sabay-sabay na pananalangin ng mga kabataan ng Santo Rosaryo mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 5,520 total views

 5,520 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 20,231 total views

 20,231 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 33,089 total views

 33,089 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 107,381 total views

 107,381 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 163,035 total views

 163,035 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567