Radyo Veritas, namahagi ng tulong sa mga binahang residente ng Meycuayan, Bulacan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,829 total reads

Tinugunan ng Radyo Veritas 846 ang pangangailangan ng mga residente ng Barangay Longos, Meycauayan, Bulacan na naapektuhan ng baha at masamang panahon nitong mga nakalipas na linggo.

Ayon kay Radyo Veritas 846 President Father Roy Bellen, bahagi ng ipinamahaging tulong ang pagtupad sa pangako ng himpilan sa komunidad kung saan matatagpuan ang bagong transmitter nito dahil ayon sa Pari nais ng Radyo Veritas na hindi lamang ang himpilan at mga tagapakinig nito ang makinabang sa kanilang presensya sa lugar, kundi maging ang mga mismong residente ng barangay.

Binigyang-diin niya na higit sa materyal na tulong, mahalagang maihatid sa mga benepisyaryo ang pananampalataya at pag-asa sa gitna ng mga pagsubok.

“Kaya bukod po sa mga materyal na tulong, ’yun pong tulong ng pananampalataya at pag-asa ang atin pong hatid para po sa ating mga kababayan,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Father Bellen.

Samantala, pinasalamatan ni Barangay Longos Captain Arnel Gutierrez ang Radyo Veritas at si Father Bellen sa patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga residente tuwing may kalamidad.

Ayon sa opisyal, ipinamahaging tulong ang mga pangunahing pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng baha. Binanggit din niya na bago pa man maitayo ang transmitter ng Radyo Veritas sa lugar ay nangako na ang himpilan na tutulong sa komunidad sa panahon ng kalamidad.

“Maraming-maraming salamat po kay Father Bellen na kung natatandaan po ninyo nung araw, bago pa lang ito ginagawa eh nakapangako po sila na ’pag merong ganitong kalamidad eh tutulong daw po sila,” ayon naman sa Panayam ng Radyo Veritas kay Gutierrez.

Lubos naman ang pasasalamat ni Zenaida Bergania, pangulo ng FISCAP Senior Citizens ng Meycauayan, sa Radyo Veritas para sa tulong na ipinagkaloob sa mga senior citizen at iba pang residente ng Barangay Longos.

Ayon kay Bergania, malaking bagay ang natanggap nilang ayuda matapos ang mga naranasang epekto ng mga nagdaang bagyo at habagat, Kabilang sa mga benepisyaryo ng isinagawang pamamahagi ang mga residente ng Barangay Longos.

“Ah sa dinanas po namin nung nakaraang bagyo’t habagat, malaking bagay po ito na ipinagkaloob sa amin,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Bergania.

Patuloy na isinusulong ng Radyo Veritas 846 ang pagtulong sa mga komunidad na nangangailangan, kasabay ng paghahatid ng mensahe ng pananampalataya at pag-asa sa mga pamilyang dumaranas ng pagsubok.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 49,917 total reads

 49,917 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 136,417 total reads

 136,417 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 179,454 total reads

 179,454 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 229,213 total reads

 229,213 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 388,172 total reads

 388,172 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top