Mananampalataya, hinikayat ng Rector ng Pontificio Collegio Filipino na isabuhay ang pagpapatawad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,394 total reads

Hinikayat ni Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino ang mga mananampalataya na isabuhay ang pagpapatawad bilang tugon sa paanyaya ng Panginoon at mahalagang hakbang tungo sa pagbabalik-loob at pagkakaisa.

Sa kanyang ulat sa bilang Vatican Correspondent ng Radyo Veritas, binigyang-diin ni Fr. Gaston ang mensahe ng Ebanghelyo na tinalakay ni Pope Leo XIV sa Angelus nitong nakaraang Linggo, partikular ang tanong ni San Pedro kung ilang ulit dapat magpatawad.

Ipinaliwanag ni Fr. Gaston na ang sagot ni Hesus na “77 times” o “70 times 7 times,” depende sa salin, na nagpapahiwatig ng patuloy na pagpapatawad, lalo na kung ang humihingi ng tawad ay tunay na nagsisisi ay hindi nangangahulugan ang pagpapatawad ay pagpapahintulot sa paulit-ulit na pang-aabuso.

“Kasi ‘pag ‘pag malaking kasalanan, confession, of course, ‘no, kaya maganda sa confession, hindi lang ‘pag Holy Week, hindi lang ‘pag Lenten season, Advent season, kahit kailan pwedeng magkumpisal.” Bahagi ng ulat ni Fr. Gaston sa Radyo Veritas.

Ayon kay Fr. Gaston, mahalaga ang Sakramento ng Kumpisal sapagkat nagbibigay ito ng pagkakataon sa tao na humingi ng kapatawaran sa Diyos at magsikap na ituwid ang kanyang buhay.

Ipinaalala rin ng Pari na ang panalangin ng Our Father ay nag-uugnay sa pagtanggap ng kapatawaran ng Diyos at sa pagpapatawad sa kapwa partikular ang bahaging “Forgive us our sins as we forgive those who sin against us.”

Para kay Fr. Gaston, maaaring magsimula ang pagpapatawad sa isang simpleng hakbang sa pamamagitan ng pagdarasal para sa taong mahirap patawarin.

“Lahat ng hindi natin mapatawad, pagdasal natin, ‘no. Pagdasal natin na sana magbago nga siya kasi ganun naman ang sa Panginoon.” Dagdag pa ni Fr. Gaston.

Aniya, ang hangad ng Diyos ay hindi ang kamatayan ng makasalanan kundi ang kanyang conversion o pagbabalik-loob.

Paliwanag ni Fr. Gaston, maaari ring maging daan sa pagkakasundo ang simpleng pagbati, pakikipag-usap, o paghingi ng tawad, kahit pakiramdam ng isang tao ay ang kabilang panig ang nagkamali.

“Kaya maraming posibilidad. Simulan natin sa pinakamadali! ‘Yung pinakamaliit na may nagawa laban sa atin na baka kaya natin patawarin ngayon mismo.” Ayon pa kay Fr. Gaston.

Binigyang-diin din ng Pari na maaaring kailanganin ng tao ang kababaang-loob upang makita na maaaring iba ang kanyang naging interpretasyon sa isang pangyayari, o maaaring mayroon din siyang pagkukulang sa isang alitan.

Samantala, iniugnay din ni Fr. Gaston ang mensahe ng pagpapatawad sa Wednesday Audience ni Pope Leo XIV ngayong linggo, kung saan tinalakay ng Santo Papa ang Gaudium et Spes, partikular ang tungkol sa human community at common good.

Ayon kay Fr. Gaston, mahalaga ang pagtataguyod ng kabutihang panlahat kabilang ang mga kalagayang nagbibigay-daan sa mga tao at grupo na umunlad at maging ganap.

“Naku, ‘yan ang kailangan natin sa Pilipinas, ‘no. ‘Yung common good na sana ay ‘yung situation, ‘yung mga circumstances na nag-a-allow, that allow the person or the groups to become more, to flourish, to become more fulfilled.” Ani Fr. Gaston.

Hinimok naman ng Pari ang mga pamilya na simulan sa tahanan ang paghubog sa mga kabataan upang maging matapat, makatarungan, mapagmahal at marunong magpatawad, bilang paghahanda sa kanilang magiging ambag sa lipunan.

Sa pananaw ng Simbahan, ang pagpapatawad ay hindi simpleng paglimot sa kasalanan o pagtitiis sa pang-aabuso, sa halip ito ay may kaugnayan sa pagsisisi, pagbabalik-loob, pagkakasundo, at muling pagtatayo ng mga ugnayan na pawang mga pagpapahalagang nagsisimula sa puso ng tao at pamilya at umaabot sa kabutihang panlahat ng pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 51,967 total reads

 51,967 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 138,467 total reads

 138,467 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 181,504 total reads

 181,504 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 231,263 total reads

 231,263 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 390,024 total reads

 390,024 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top