Malaking kilos-protesta, itinakda ng IRLCNT

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,444 total reads

Inanunsiyo ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) ang nakatakdang pagsasagawa ng malaking kilos-protesta laban sa korapsyon at political dynasty sa bansa sa June 28, 2026.

Tinaguriang ang nakatakdang pagkilos na “White Ribbon March” na gaganapin sa EDSA People Power Monument at bilang pagpapatuloy sa panawagan ng mga nakalipas na Trillion Peso March na nagsimula noong Setyembre 21 ng nakalipas na taong 2026.

Pangungunahan ang White Ribbon March ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) at White Ribbon Movement (WRM) na isang open coalition na mag aabot sa 50 mga organisasyon na pinagsamang grupo na kapwa nagnanais na mawakasan na ang mga kaguluhan, kawalang katarungan, at katiwaliang nagaganap sa lipunan.

Samantala muli ring binigyang diin ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Interreligious Dialogue at convenor ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) at White Ribbon Movement (WRM) ang panawagan na litisin at papanagutin ang lahat ng sangkot at mga mapapatunayang kabilang sa nagwaldas sa kaban ng bayan.

Muli ring nanawagan ang Obispo na suportahan ang isang tunay na Anti-Political Dynasty Law na ganap na tatapos sa pamamayani ng mga pamilyang dinastiya sa pulitika sa bansa.

Iginiit din ni Bishop Bagaforo ang panawagan ng koalisyon sa pagpapatupad ng reporma sa halalan na magpapatibay sa kredibilidad ng resulta ng halalan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 95,429 total reads

 95,429 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 153,590 total reads

 153,590 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 290,101 total reads

 290,101 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 405,078 total reads

 405,078 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top