30,082 total views
Kinundina ng Kanyang Kabunyian Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang patuloy na katiwalian sa kaban ng bayan na nagdudulot ng pagdurusa sa mga mamamayan.
Sa Facebook page ni Cardinal David na siya ring pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, tinukoy nito ang malakawang pagbaha na nararanasan sa Kalakhang Maynila at mga karatig lugar na naiwasan kung hindi napunta sa korapsyon ang kaban ng bayan.
Partikular na pinuna ni Cardinal David ang substandard flood control projects ng pamahalaan lalu na sa Malabon at Navotas na kapwa nasasakop ng Diyosesis ng Kalookan na muling nalubog sa baha ang mga komunidad at maging ang mga Simbahan.
Iginiit ng Cardinal higit na na pinalalala ng katiwalian sa pamahalaan ang masamang epekto ng climate change na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo sa kasalukuyang panahon.
“Climate change is bad enough; corruption makes it even worse. Substandard flood control projects are a total waste of money. Obviously, flood control in our country has to be preceded by corruption control.” pahayag ni Cardinal David.
Pagbabahagi ni Cardinal David, sa kabila ng bilyong pisong halaga ng mga Flood Control Projects sa bansa partikular na sa Kalakhang Manila ay wala pa ring pagbabago ang sitwasyon sa bansa sa tuwing mayroong sama ng panahon.
“Not an iota of improvement, despite billions of pesos spent by national government on DPWH Flood Control Projects. Check out the COA Audit Reports on these projects, and you’ll get the shock of your life.” Dagdag pa ni Cardinal David.
Binigyan-diin ni Cardinal David na dapat kasama sa “flood control” projects ang corruption control.
Matatandaang una ng tiniyak ng Caritas Kalookan ang kahandaang ng Simbahan na tumugon sa pangangailangan ng mga apektadong parokya at komunidad sa diyosesis na kinabibilangan ng Malabon, Navotas at southern Kalookan.




