Malinis at tapat na Barangay at SK elections, panalangin ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,403 total views

Hinimok ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 na tiyaking maging matapat sa paglilingkod sa pamayanan.

Ito ang mensahe ng arsobispo hinggil sa nalalapit na halalang pambarangay sa October 30.

Ayon kay Archbishop Palma mahalagang may sapat na pagninilay ang bawat kakandidato at suriin ang sarili na nakahandang maglingkod para sa interes ng nakararaming nasasakupan.

“For people who have the sincere desire to serve, I would encourage, Go on! Tell the world you want to serve. And be truly sincere once elected.” bahagi ng pahayag ni Archbishop Palma.

Paalala ng arsobispo sa mamamayan na piliing mabuti ang mga magiging lider ng bawat barangay lalo’t ito ang pangunahing tumutugon sa pangangailangan ng munting pamayanan.

“Be serious about the election, we really discern and pray over and select those we think can give really honest, sincere, and effective service to the community.” pahayag ng arsobispo.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government magsisimula ang election period sa August 28 at magtatapos sa November 29.

Itinakda ng Commission on Elections ang filing of candidacy sa August 28 hanggang September 2; campaign period naman sa October 19 hanggang 28; halalan sa October 30; at paghahain ng Statements of Contribution and Expenditures (SOCE) sa November 29.

Dalangin ng simbahan ang malinis at matapat na halalan gayundin ang kapayapaan sa sa 42, 000 barangay sa bansa na pipili ng mga lider na mamumuno sa kanilang komunidad na kinabibilangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 14,473 total views

 14,473 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 42,824 total views

 42,824 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 110,554 total views

 110,554 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 133,705 total views

 133,705 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 202,889 total views

 202,889 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top