Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 100,114 total views

Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment.

Ang malnutrition, ayon sa World Health Organization, ay ang kulang o sobrang nutrient intake, kawalan ng balanse sa mga esensyal na nutrients na kailangan ng katawan, at ang maling paggamit ng mga nutrients. Sa malnutrition, pwede kang maging sobrang payat o wasting na – masyadong maliit para sa iyong tangkad at edad, at pwede ring maging obese, sobrang taba para sa iyong tangkad.

Ang malnutrition ay prevalent sa mga bata – nakadepende kasi sila sa mga kaanak para sa kanilang nutrisyon. Dito sa ating bansa kung saan marami ang mahirap, malaking hamon ang undernutrition. Ayon nga sa isang pag-aaral ng World Bank, tatlumpung taon na halos walang pagbabago sa dami ng undernourished sa ating bayan.

Marami ang stunted ang growth. Isa sa tatlong bata o 29% na may edad 5 pababa ay masyadong maliit para sa kanilang edad. Mataas din ang antas ng micronutrient undernutrition sa atin. Umaabot ito ng 38% sa mga sanggol na may edad anim hanggang labing-isang buwan. Mga 20% naman ng mga nagbubuntis ay anemic.

Sa kabilang banda, tumataas din ang overnutrition ng maraming bata dahil nag-iiba naman ang diyeta ng maraming pamilya. Ayon sa isang pag-aaral ng UNICEF, nagbabago na ang diet ng maraming mga bata sa ating bayan – mas konti na ang kumakain ng gulay at prutas at mas pinipili na nila ang matatamis, maalat, at matatabang pagkain. Mga 74% ng mga bata may edad 13-15 ay kaunti lamang ang gulay na kinakain – less than three portions kada araw- habang mas maraming bata, mga 38% ang umiinom ng isang softdrink kada araw. Sa mga batang edad 5 to 10, tumaas naman ang antas ng pagiging overweight mula 10.4% noong 2019 tungo sa 14% noong 2022, at sa edad 10 to 19, naging 13% nitong 2023 mula 10.7% noong 2019.

Ang malnutrition kapanalig ay paglabag sa karapatan ng mga bata sa kalusugan, na pundasyon ng ating pagkatao at mahalagang salik ng ating dignidad. Kailangan nating lapatan ng akma at napapanahon o timely na aksyon ang isyu ng malnutrisyon sa ating bayan dahil ang kabataan, ang kinabukasan ng ating bayan, ang unang naapektuhan nito. Sabi nga ni Pope Francis sa Sacramentum Caritatis: The prayer which we repeat at every Mass: “Give us this day our daily bread,” obliges us to do everything possible, in cooperation with international, state and private institutions, to end or at least reduce the scandal of hunger and malnutrition afflicting so many millions of people in our world, especially in developing countries.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 17,047 total views

 17,047 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 79,077 total views

 79,077 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 99,314 total views

 99,314 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 113,590 total views

 113,590 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 136,423 total views

 136,423 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 17,049 total views

 17,049 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 79,079 total views

 79,079 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 99,316 total views

 99,316 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 113,592 total views

 113,592 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 136,425 total views

 136,425 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 150,639 total views

 150,639 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 169,234 total views

 169,234 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 188,977 total views

 188,977 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 143,196 total views

 143,196 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 160,026 total views

 160,026 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »
Scroll to Top