Mamamayan, binalaan sa E-Commerce industries monthly sale

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 534 total reads

Pinaalalahanan ng Climate Change Commission ang mamamayan na isaalang-alang ngayong Kapaskuhan ang pagiging makakalikasan.

Inihayag sa Radio Veritas ni CCC Commissioner Rachel Anne Herrera na kaakibat ng pagdiriwang ng Pasko ng kapanganakan ni Hesus ang pagpapahalaga sa nilikha ng Diyos.

“But as we celebrate [Christmas], sana hindi mawala sa isip natin na kasama sa listahan ng reregaluhan natin ay ang ating kalikasan,” pahayag ni Herrera sa Radio Veritas.

Tinukoy ng opisyal ang monthly sale ng e-commerce industries tulad na lamang ng 12.12 sale na pinangangambahang muling magdulot ng malaking epekto sa kalikasan dahil sa mga plastic packaging mula sa mga biniling produkto.

Ayon kay Herrera, mas makabubuti pa ring bumili ng mga produktong maaari muling magamit at mapakinabangan sa mga susunod na panahon at hindi magdudulot ng pinsala sa kalikasan.

“Marami pang ibang puwedeng gawin: puwede tayong magregalo ng e-vouchers instead, puwede ring pre-loved items ‘yung bilhin natin, and let’s make it a point to request minimal packaging ‘pag umo-order tayo online,” ayon sa opisyal.

Bukod naman sa pagpapaalala sa publiko na bawasan ang pagkonsumo, panawagan din ng komisyon sa mga online businesses na pagbutihin pa ang delivery system maging ang pagkakaroon ng mga alternatibong paraan na makatutulong sa kapaligiran.

“There are many small businesses that are going green in their packaging, and we should also encourage big e-commerce industries to do the same,” saad ni Herrera.

Batay sa pagsusuri ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau, inaasahang maaari pang tumaas sa mahigit 18-milyong tonelada kada taon ang malilikhang basura sa 2020.

Samantala, inaasahan namang sa 2025 ay aabot na sa humigit-kumulang 78-libong tonelada ng basura ang malilikha ng mga Pilipino kada araw.

Magugunita sa Laudato Si ni Pope Francis na binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pag-aalaga sa kapaligiran dahil sa kasalukuyan ay unti-unti nang nagmimistulang malawak na tambakan ng basura ang daigdig.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 3,710 total reads

 3,710 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 5,569 total reads

 5,569 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 14,456 total reads

 14,456 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 51,834 total reads

 51,834 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 83,105 total reads

 83,105 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 159,710 total reads

 159,710 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 253,252 total reads

 253,252 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 73,425 total reads

 73,425 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top