Mamamayan, hinikayat ng CBCP-ECHC na suportahan ang Chikiting Ligtas ng DOH

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,747 total reads

Hinikayat ng Healthcare Commission ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang publiko na suportahan ang mga programa at layunin ng Department of Health.

Ito ang Chikiting Ligtas 2023 project ng DOH o ang Measles and Rubella Vaccine-Oral Polio Vaccine (MRV-OPV) supplemental immunization activity na layong isulong ang pagbabakuna sa mga kabataan laban sa vaccine-preventable diseases (VPDs).

Ayon kay Camillian Father Dan Cancino, executive secretary ng CBCP-ECHC, mahalagang magkaroon ng karagdagang proteksyon ang mga bata upang mapangalagaan mula sa epekto ng mga nakakahawang sakit.

“Maraming mga parokya ngayon sa iba’t ibang diyosesis ang nakikilahok dito sa Chikiting Ligtas na ito. Kaya para sa akin, ito ‘yung pagpapalaganap ng proper information sa kahalagahan ng ating kabataan. Ito ang paglahok natin para sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon sa mga magulang at sa ating buong komunidad,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Batid ng pari na sa pag-iral ng COVID-19 pandemic sa bansa ay bahagyang naisantabi ang pamamahagi ng bakuna sa mga kabataan dahil mas tinutukan ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination campaign.

Tiniyak naman ni Fr. Cancino ang pagtulong ng simbahan sa pamahalaan para ipabatid sa publiko ang pakikilahok sa Chikiting Ligtas campaign at ang kahalagahan nito sa kalusugan ng mga kabataan.

“Kaya tayo sa simbahan, nagpapalaganap tayo ng tamang impormasyon tungkol sa Chikiting Ligtas na ito. Marami na rin sa ating mga parokya ang nakikilahok sa mga local government units, rural health units, at municipal health offices para mapalaganap natin itong mga impormasyon. At ‘yung iba nga ay nagiging venue para maging vaccination sites para sa mga bata,” ayon kay Fr. Cancino.

Batay sa tala ng DOH, umabot na sa higit 5.3 milyong bata ang nakibahagi at nabigyan ng bakuna laban sa VPDs dalawang linggo matapos ilunsad ng ahensya ang kampanya.

Maaaring pabakunahan laban sa tigdas at rubella ang mga bata mula siyam na buwan hanggang limang taong gulang, habang ang bakuna kontra polio nama’y para sa limang taong gulang pababa.

Naitala noong 2019 ang 50,000 kaso ng tigdas, kung saan 637 ang nasawi, habang sa katulad ding taon ay apat na bata naman ang nasawi sanhi ng polio.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 17,934 total reads

 17,934 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 18,061 total reads

 18,061 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 32,630 total reads

 32,630 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 89,036 total reads

 89,036 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 212,537 total reads

 212,537 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 296,333 total reads

 296,333 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,814 total reads

 175,814 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top