Mamamayan, hinimok na bantayan ang mapanganib na Anti-Terror bill

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 659 total views

June 5, 2020, 1:49PM

Mapanganib ang mga probisyong nilalaman ng panukalang Anti-Terrorism bill para sa kapakanan ng mamamayan.

Ito ang binigyang diin ni Sr. Mary John Mananzan, OSB – Convenor ng Movement Against Tyranny sa kontrobersiyal na House Bill 6875 o “Anti-Terror bill” na nag-aamyenda sa kasalukuyang Anti-Terrorism Law ng bansa.

Iginiit ni Sr. Mananzan na kung talagang nais ng pamahalaan na masugpo ang mga terorista ay kailangan nitong ipatupad ang kasalukuyang batas sa halip na amyendahan ito.

Ipinaliwanag ng Madre na hindi na kinakailangan pang amyendahan ang kasalukuyang Anti-Terrorism Law sapagkat malinaw sa batas ang depinisyon ng terorista at terorismo na mas pinalawak sa panibagong Anti-Terror Bill.

“Very dangerous, kung talagang terrorist ang kanilang pinupuntirya diba we have an all out action against the mere terrorist. There is already an Anti-Terrorism law na very clear ang definition ng terrorism na ginawa nilang very vague sa bagong panukalang batas.” pahayag ni Sr. Mananzan sa Radyo Veritas.
Pinuna rin ng Madre ang hindi napapanahong pagsusulong sa naturang panukalang batas kung saan kasalukuyang humaharap ang bansa sa krisis na dulot ng Coronavirus Disease 2019.

“Anong klaseng timing, it’s really something, bakit ngayon (na may pandemic COVID-19)?”dagdag pahayag ni Sr. Mananzan.

Pinayuhan naman ni Sr. Mananzan ang bawat mamamayan na maging maingat at mapagmatyag upang hindi mataguriang terorista at maging biktima ng naturang panukalang batas.

“Sa mga kababayan natin huwag tayong magstop then you have to be very vigilant kasi ngayon anything is terrorism mag-disent ka lang terrorist ka na so kailangan tayo be very vigilant na wala tayong mga gagawin na they will interpret it right away as terrorism kasi napaka-broad nung kanilang statement about what is terrorism is…” Paalala ng Madre

Sa ilalim ng House Bill 6875, pinapalawig ang panahon na puwedeng manmanan ang mga hinihinalang terorista kung pahihintulutan ng korte at maari ring ikulong kahit wala pang kaso ang mga hinihinalang terorista sa loob ng 14 na araw.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 104,942 total views

 104,942 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 135,165 total views

 135,165 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 161,813 total views

 161,813 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 256,786 total views

 256,786 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 271,035 total views

 271,035 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top