Terorismo, wala sa kaisipan ng mga Filipino sa panahon ng COVID-19 pandemic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 798 total reads

June 5, 2020, 1:43PM

Binigyang diin ni Balanga Bishop Ruperto Santos na dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan na higit na apektado ng pandemic corona virus.

Ayon sa Obispo, dapat unahin ang kapakanan ng mga Filipino na labis ng apektado ang kabuhayan dahil sa pandemya.

Dismayado si Bishop Santos na mas inuuna ng mga mambabatas ang pagtalakay sa anti-terror bill sa halip na ang mga hakbang na tutugon sa pangangailangan ng mga Filipino.

“What are most urgent with our present situation? They are finding cure, remedy against Covid19; healing of our country; and helping those who lost their livelihood, their jobs. Why not focus on these matters first rather than terror bill,” pahayag ni Bishop Santos.

Ikatlo ng Hunyo ng ipasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang anti-terror bill na ikinabahala ng mamamayan.

Nangangamba si Bishop Santos na maging daan ito ng pang-aabuso partikular sa mga hindi sumasang-ayon sa kasalukuyang administrasyon.
“With this terror bill how do we know we are much safe? It can be used and abused to label anyone as terrorist. And that one falsely accused can be warrantless arrested,” dagdag ng obispo.

Nababahala rin ang United Nations Human Rights Office sa Anti-Terrorism Act sapagkat papalitan nito ang Human Security Act na nagpapahina sa mga hakbang upang protektahan ang karapatang pantao, at ang malawak na kahulugan ng terorismo.

Iginiit ni Bishop Santos na ‘peace loving people’ ang mga Filipino na nakahandang umagapay sa kapwa lalo’t higit sa labis na nangangailangan ng tulong.

Sinabi ng Obispo na wala sa kaisipan ng mamamayan ang terorismo at anumang uri ng karahasan kundi pagkakaisa at pagtutulungan upang mapagtagumpayan ang nararanasang pandemya.

Binigyang diin din ng obispo na ang paghahayag ng katotohanan ay hindi maaring ituring na terorismo sapagkat ito ang mabisang paraan upang labanan ang fake news na laganap sa lipunan.

“We are not terrors to one another. Truth is not terror. To tell the truth is not to terrorize. We should not fear truth nor be silent about the truth. With terror bill, truth is first casualty. And fake news or false accusation prevails.”

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 3,409 total reads

 3,409 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 5,299 total reads

 5,299 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 13,964 total reads

 13,964 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 51,342 total reads

 51,342 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 82,613 total reads

 82,613 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 159,259 total reads

 159,259 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 252,825 total reads

 252,825 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 3,410 total reads

 3,410 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top