Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, hinimok ng simbahan na huwag katakutan ang mga pulis

SHARE THE TRUTH

 12,435 total views

Tiniyak ng Philippine National Police Chaplain Service ang pagpapalalim at pagpapayabong sa pananampalataya sa panginoon ng mga pulis.

Ito ang tiniyak ni PNP Chief Chaplain Police Colonel Father Jaime Seriña sa mga dumalong pulis sa idinaos na misa para sa ‘Jubilee of Police’ sa Our Lady of Annunciation Parish and Shrine of the Incarnation (OLAP) sa Diocese of Novaliches.

Ayon kay Fr.Seriña, kaisa ng mga pulis ang simbahan sa mga mabubuting adhikain na isusulong para sa bayan.

“Ipakita natin sa sambayanang Pilipino na kami po ay maka-Diyos at kami po ay sumusuporta sa anumang mga religous activities lalung-lalu sa year of Jubilee ngayong 2025, it’s good that we’ve become partners in this religous activities so that- involving sa Pilipinas para sa spiritual aspect namin, it uplifts our moral and to the Filipino People na kami po ay maka-Diyos at kami po ay kasangga ng mga Pilipino lalung-lalu na sa mga espiritwal na mga bagay,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Seriña.

Ipinarating naman ni Father Joel Saballa ng Our Lady of Annunciation Parish and Shrine of the Incarnation (OLAP) ang kagalakan sa naging pakikiisa ng Philippine National Police at PNP Chaplain Service sa misang inalay para sa ‘Jubilee of Police’ sa kanilang simbahan.

Ayon sa Pari, layunin ng gawain na ipakita sa mamamayan ang dedikasyon ng mga pulis sa kanilang trabaho upang pangalagaan ang seguridad at kapayapaan nang bansa.

Umaasa ang Pari na patuloy na palalimin ng mga Pilipino ang kanilang kaalaman sa kahalagahan ng trabaho ng mga Pulis na huwag katakutan at sa halip ay gawing silang ehemplo.

“Unang-una ay nagpapasalamat po tayo sa Panginoon at sa ating Kapulisan lalo kay Gen Marbil sa pag-allow niya na dumalo ang ating kapulisan para sa ganitong pagdiriwang, pasasalamat at pagkilala sa kabayanihan, dedikasyon ng ating mga kapulisan, itong aming parokya ay Shrine of Incarnation, we’re hoping and dreaming that the PNP can incarnate also the Lord, the BFP would incarnate the presence of the Lord in their mission gayundin sa AFP cause this is Shrine of Incarnation at ini-incarnate Christ in their mission with our Filipino People,” ayon sa panayam kay Father Saballa.

Unang idinaos sa OLAP noong March 15 ang Jubilee for Fire Fighter sa pakikipagtulungan sa Bureau of Fire Protection.

Susunod naman ang Jubilee Mass na iaalalay para sa Bureau of Jail Management and Penology at Armed Forces of the Philippines.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan ang kalusugan

 15,639 total views

 15,639 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 31,470 total views

 31,470 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 123,900 total views

 123,900 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 142,079 total views

 142,079 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 159,741 total views

 159,741 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top