Mamamayan, hinimok ni Cardinal Advincula na suportahan ang Aid to the Church in Need

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,606 total reads

Hiniling ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mamamayan na suportahan ang mga programa ng Papal charity, Aid to the Church in Need na tumutulong sa mga inuusig na Kristiyano.

Ito ang paanyaya ng Cardinal sa paggunita ng Red Wednesday campaign sa November 23, 2022.

Apela ng Arsobispo sa mga simbahan na ilawan ang paligid ng kulay pula bilang pakikiisa sa programa at pag-alala sa mga inuusig dahil sa pananampalataya.

“Tomorrow November 23 is RED WEDNESDAY. I ask that the facade of churches and institutions be lighted with red and support the projects of ACN by the second collection in all Masses,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Batid ni Cardinal Advincula na bagamat kinakalinga ng Panginoon ang mga nanindigan sa pananampalataya mahalagang ipakita ng bawat isa ang pagmamalasakit.

“Let us pray for our brothers and sisters who are persecuted. Let us spread d word about their difficulties and painful experiences,” ani ng Cardinal.

Tema ng Red Wednesday campaign ngayong taon ang ‘Blessed are the Persecuted’ na layong paigtingin ang kampanyang ipanalangin ang bawat Kristiyanong nakararanas ng karahasan sa buong mundo.

2016 nang sinimulan ng ACN ang kampanya sa United Kingdom upang kilalanin ang mga martir na nanindigan para sa Kristiyanismo habang 2017 itong isinagawa sa Pilipinas at 2020 nang inapruban ng CBCP and pag-institutionalize ng kampanya.

Ayon sa pag-aaral ng Open Doors USA nasa 360-milyong Kristiyano ang naninirahan sa mga bansang marami ang pang uusig sa mananampalataya.

Mahigit limang libo ang pinaslang, Humigit kumulang anim na libo ang ang ikinulong, apat na libo ang dinukot at mahigit limang libong bahay dalanginan ang napinsala.

Tiniyak ng simbahan sa Pilipinas ang pakikiisa sa bawat inuusig na Kristiyano at dalangin ang katatagan at kaligtasan ng bawat isa sa tulong at gabay ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 983 total reads

 983 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 32,259 total reads

 32,259 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 112,157 total reads

 112,157 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 206,383 total reads

 206,383 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 266,844 total reads

 266,844 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 37,568 total reads

 37,568 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top