Mamamayan, muling hinimok na magpabakuna laban sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,332 total reads

Pinaalalahanan ni Camillian Father Dan Cancino ang publiko na paigtingin ang pagsusulong at pagtangkilik sa bakuna laban sa coronavirus disease.

Pinayuhan ni Fr. Cancino, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang mamamayan na na isaalang-alang ang kalusugan ng kapwa sa patuloy na banta ng COVID-19.

“Nandyan pa rin ang hamon ng COVID-19. Meron tayo sa ating lipunan na populasyon na bulnerable—mga bata, mga may edad, mga may karamdaman, at dapat natin silang protektahan,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Tiniyak ng pari na patuloy na itataguyod ng simbahan ang layunin ng pamahalaan na pangalagaan ang mamamayan laban sa virus sa pamamagitan ng COVID-19 vaccination.

Paliwanag ni Fr. Cancino na ang pagpapabakuna ay hindi lamang para sa kaligtasan ng sarili, bagkus para din sa kapwa upang maiwasang mahawaan ng nakamamatay na virus.

“’Yung mga hindi pa nagpapa-booster shot na available pa po, mag-access po tayo nito. Huwag natin sayangin ang mga pagkakataong ito. Sabi nga ni Pope Francis, ito ‘yung gawain ng pag-ibig—pag-ibig sa kapwa, pag-ibig sa bayan, pag-ibig sa Diyos, at pag-ibig din natin sa ating mga sarili,” saad ni Fr. Cancino.

Hinimok ng opisyal ang lahat na sumunod sa minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng facemask, paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol, at ang physical distancing.

Sa huling ulat ng Department of Health, mula Enero 9 hanggang 15 ay halos 3,000 ang naitalang panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Higit naman sa 73-milyong indibidwal o 94 percent ng target population ang nakatanggap na ng COVID-19 vaccine, habang 21 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng booster shots.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salat sa malasakit

 8,584 total reads

 8,584 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 109,850 total reads

 109,850 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 180,027 total reads

 180,027 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 266,522 total reads

 266,522 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 308,998 total reads

 308,998 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 197,033 total reads

 197,033 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top