Mamamayan, patuloy na pinag-iingat ng CBCP-ECHC laban sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,118 total reads

Huwag kalilimutan ang pagpapahalaga at pangangalaga sa kalusugan.

Ito ang tagubilin ni Camillian Father Dan Cancino, kaugnay sa patuloy na pangangalaga sa kalusugan sa kabila ng unti-unting pagbuti ng kalagayan ng lipunan mula sa coronavirus pandemic.

Ayon kay Fr. Cancino, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care na naranasan ng lahat nitong pandemya ang pangalagaan ang sarili, lalo’t higit ang kapwa mula sa mapanganib na epekto ng COVID-19.

Sinabi ng pari na sa panahong ito nasukat ang katatagan ng loob at pananampalataya ng bawat isa sa kabila ng mga pinagdaraanang mabibigat na pagsubok.

“Ngayong bumabalik na tayo sa normal, sana huwag natin kalimutan ang kahalagahan ng kalusugan. Regalo ang kalusugan. Nakita natin sa panahon ng COVID-19 kung ano ‘yung mahalaga–‘yung buhay, kalusugan, pamilya, at pananampalataya,” bahagi ng pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Hinihiling naman ng pari na sa pagluwag ng mga panuntunan laban sa COVID-19, patuloy nawang sundin ng publiko ang pagsusuot ng facemask bilang pag-iingat sa pansariling kalusugan at ng kapwa, lalo na ang mga matatanda at mahihina ang katawan sa mga karamdaman.

“Kung meron man tayong karapatan na magtanggal ng mask, mayroon din tayong responsibilidad na magsuot din ng mask para sa kapakanan ng ating mga kapanalig lalong lalo na ang mga immunocompromized. Iyon talaga ang proteksyon natin e. Pinoproteksyonan natin ang ating sarili, po-proteksyonan din natin ‘yung iba,” ayon kay Fr. Cancino.

Ang mensahe ni Fr. Cancino ay kaugnay rin sa paggunita sa 31st World Day of the Sick na may temang “Take Care of Him”: Compassion as a synodal exercise of healing.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 28,959 total reads

 28,959 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 67,046 total reads

 67,046 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 102,345 total reads

 102,345 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 328,614 total reads

 328,614 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 220,213 total reads

 220,213 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 153,221 total reads

 153,221 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top