Mamamayang Filipino, Lubhang apektado na sa pagtaas ng Inflation at paghina ng Piso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,398 total reads

Labis ng apektado ang mga mahihirap na mamamayan at manggagawa sa patuloy na pagtaas ng Inflation Rate sa bansa at paghina ng halaga ng Piso.

Ito ang inihayag ni Leody De Guzman, Pangulo ng Bukluran ng Manggawang Pilipino kaugnay sa kalagayan ng Ekonomiya ng Bansa.

Ayon kay De Guzman, bumababa ang Purchasing Power ng mga manggagawa dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin na karaniwang kinokonsumo ng Ordinaryong mamamayan.

“Ang immediate impact niyan ay yung pagbaba ng purchasing power nung ating suweldo ibig sabihin mas kakaunti na ang mabibili ng ating manggagawa.” pahayag ni De Guzman sa Radio Veritas.

Nakadagdag din sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang balak ng pamahalaan na umutang sa ibang Bansa upang tustusan ang Build Build Build Program na tinatayang nagkakahalaga ng halos 8 – trilyong piso.

Sinabi ni De Guzman na malalaking Korporasyon ang higit na makikinabang sa pagpapatupad ng Build Build Build Program ng pamahalaan dahil sa kaginhawaan ng pagdadala ng kanilang mga kalakal sa bansa ngunit mataas ang presyo na hindi nakatutulong sa mamamayan.

Naninindigan ang BMP na ang mga ordinaryong Pilipino ang papasan sa uutanging pera ng Pilipinas para pondohan ang mga Proyektong pang-imprastraktura ng Administrasyong Duterte sa pamamagitan ng mataas na buwis.

“Siyempre nadadagdagan yung bilang nang may trabaho pero in the long run ay talo yung mga manggagawa pati sambayanang Filipino dahil utang yan in the long run yan magiging bayarin nang mga mamamayan, yung ating yaman sa halip na pakinabangan nating mga Filipino ay ipambabayad doon sa utang na napakataas nung interest.” dagdag pa ni De Guzman.

Naunang nanawagan si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo,chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity sa pamahalaan na dapat malaman ng taumbayan ang panggagalingan ng perang gagastusin sa Build Build Build Program.

Read: Numero, hindi sapat na basehan sa paglago ng ekonomiya

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 146,281 total reads

 146,281 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 219,497 total reads

 219,497 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 252,945 total reads

 252,945 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 288,243 total reads

 288,243 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 509,106 total reads

 509,106 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top