Mamuhay ng payak, paanyaya ni Bishop Gaa sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,069 total reads

Hinikayat ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga mananampalataya na tularan ang buhay ng panalangin, pagpapakumbaba, at pagsunod sa kalooban ng Diyos ni San Benito de Nursia kaugnay sa naging pagdiriwang ng Kapistahan ng Santo sa St. Benedict Parish sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Ayon kay Bishop Gaa, ang kapistahan ay paanyaya upang higit pang pagyamanin ang pananalangin, pagninilay, at pagtalima sa Diyos sa gitna ng mga hamon ng makabagong panahon kaya nawa ay mamuhay ang mga mananampalataya ng payak upang higit na maging bukas sa paggabay ng Espiritu Santo kaya ipinaalala rin ng Obispo na nawa, katulad ni San Benenito na tinalikuran ang marangyang pamumuhay at paghahangad ng kapangyarihan upang ialay ang kanyang buhay sa Diyos ay maging ehemplo ang Santo dahil nananatiling makabuluhan na halimbawa ag Santo ngayon bilang paanyaya na makinig sa Panginoon at magtiwala sa Kanyang patnubay sa bawat yugto ng buhay.

Binigyang-diin pa ni Bishop Gaa na hindi hinihikayat ng pananampalataya ang pagtalikod sa mundo, kundi ang matapang na pagharap sa mga pagsubok sa tulong ng biyaya ng Diyos dahil sa pamamagita ng patuloy na pananalangin at paggabay ng Espiritu Santo, magiging matatag ang pananampalataya ng bawat Kristiyano sa araw-araw na pamumuhay.

“Isang paanyaya po ito ng pananalangin, pagninilay at pagtalima sa Diyos. mabuhay ng may kapayakan para ang hatak at ang tulak ng Espiritu Santo ay tunay tayong tumalima. Si St. Benedict ay tumakas sa mundo ng karangyaan, kapangyarihan at isa itong paanyaya ni St.Benedict para sa lahat sa pangkasalukuyan na tayo ay manalangin,tunay na lumapit sa Diyos, tunay na tumalima at makinig sa Kanya at patuloy yung paggabay ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo sa isang malalim na pagharap sa mga pangyayari sa buhay natin sa araw-araw. Kaya yun yung paanyaya sa atin, hindi tumalikod sa mundo, kundi harapin ang mundo sa mata at sa lakas at biyagrasya ng Diyos,”
ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Gaa.

Hinikayat naman ni St. Benedict Parish Priest Fr.Reynaldo Tano, MGL ang mga mananampalataya na isabuhay ang balanse ng pananalangin at paggawa bilang pangunahing aral ni San Benito de Nursia bilang pagdiriwang ng kapistahan ng Santo.

Binigyang-diin ng pari ang kilalang panawagan ni San Benito na “manalangin at magtrabaho” o ora et labora, na paalala na hindi dapat paghiwalayin ang pananampalataya at pang-araw-araw na gawain kaya hinikayat niya ang mga deboto ng Santo na patuloy na humingi ng kanyang pamamagitan lalo na sa panahon ng kalamidad, mga tukso, at iba pang pagsubok sa buhay kasunod ng paalala na bukod sa mga pisikal na hamon ay mayroon ding espiritwal na pakikibaka na hindi kayang harapin ng tao sa sariling lakas lamang kaya mahalaga ang pananalangin, pagtitiyaga, at pag-aayuno upang mapaglabanan ang masasamang impluwensya na maaaring maglayo sa tao sa Diyos at magdulot ng maling pagpapasya.

“”Ang paanyaya ni San Benito sa atin ay magdasal at magtrabaho. Napakahalaga na magkasama ang dalawang ito—hindi lamang puro dasal ang ating buhay at hindi lamang puro trabaho. Sabi nga ni San Benito, ‘Gawin ninyong dasal ang inyong pagtatrabaho at gawin ninyong trabaho ang inyong pagdarasal.’ Hindi dapat mapaghiwalay ang dalawa. Kaya sa mga may debosyon kay San Benito, lagi po tayong humingi ng kanyang pamamagitan, lalo na sa panahon ng kalamidad, mga tukso, at iba pang pagsubok sa buhay,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Tano.

Ayon kay Fr. Tano, bagama’t marami ang nag-aakalang kabilang ang kanilang parokya sa Benedictine Order, ang St. Benedict Parish ay pinangangasiwaan ng Missionaries of God’s Love (MGL), isang kongregasyong itinatag sa Australia noong 1986 at nagsimulang magmisyon sa Pilipinas noong 1996 na ayon sa Pari, patuloy nilang isinusulong ang mga programang panlipunan, espiritwal na paghubog, at pagbibigay ng mga sakramento alinsunod sa misyon ng kanilang kongregasyon at ng Diocese of Novaliches.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 74,466 total reads

 74,466 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 214,226 total reads

 214,226 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 330,002 total reads

 330,002 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 447,772 total reads

 447,772 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 93,816 total reads

 93,816 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »
Scroll to Top