Mananampalataya, binalaan sa pekeng Basilica Minore del Santo Niño de Cebu FB page

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,246 total views

Muling nagbabala ang Augustinian Friar’s ng Basilica Minore del Santo Niño de Cebu sa mananampalataya lalo na sa mga deboto ng batang Hesus na iisa lamang ang official Facebook page ng basilica.

Pinag-iingat nito ang mananampalataya sa pakikipag-ugnayan sa mga pekeng account upang maiwasang maloko lalo sa online transactions.

The Augustinian friars of the Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu would like to inform everyone ONCE AGAIN especially the devotees of the Holy Child that the Basilica has only ONE OFFICIAL FACEBOOK PAGE. Any other facebook pages bearing the name of the Basilica is not in any way connected to the institution. We would like to remind all the faithful to be mindful and careful of these pseudo accounts,” bahagi ng pahayag ng Augustinian friars.

Makailang beses nang ginagamit ang pangalan ng basilica sa iba’t ibang gawaing panloloko sa kapwa lalo’t tanyag ang debosyon ng Santo Nino hindi lamang sa lalawigan ng Cebu kundi maging sa buong mundo.

Hinimok nito ang mananampalataya na i-report ang mga nagsulputang pekeng FB account na ipinangalan sa basilica upang maiwasan ang scam.

Iginiit din ng basilica na hindi nito itinataguyod ang ibang imahe ng Santo Nino na may kaakibat na pampaswerte sapagkat ito ay nakalalabag sa kautusan ng Panginoon at simbahan.

Moreover, we do not promote the Santo Niño de Cebu with green vestment that brings “paswerte” or “luckycharms.” Sacred images remind us to deepen our trust and faith in God,” anila.

Matatandaang noong Oktubre 2023 pinabulaanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang kumakalat na video promotion sa social media tungkol sa pagbasbas sa imahe ng Santo Nino hubad.

Iginiit ng arsobispo na iisang imahe lamang ng Santo Nino ang itinataguyod ng arkidiyosesis katulad ng nakadambana sa Basilica Minore del Sto. Nino de Cebu.
Matatandaang ang Santo Nino de Cebu ay isa sa mga tanyag na debosyon sa Pilipinas kung saan ipinagdiriwang ang kapistahan tuwing Enero na dinadaluhan ng milyong mananampalataya gayundin ng mga turistang lokal at dayuhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 9,530 total views

 9,530 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 37,881 total views

 37,881 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 105,611 total views

 105,611 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 128,762 total views

 128,762 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 198,268 total views

 198,268 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top