Mananampalataya, hinamong gumawa ng kabutihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,234 total views

Hinamon ng Obispo ng Balanga ang mananampalataya na gumawa ng kabutihan lalo na ngayong panahon ng Kuwaresma ang paghahanda sa Easter Triduum.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos, ito ang tugon ng diyosesis sa lumaganap na “Momo challenge” na nakasisira sa pagkatao ng mamamayan particular sa mga kabataan.

Sa panawagan ng Simbahang Katolika, inaanyayahan ang bawat mananampalataya na mag-ayuno at iwasan ang mga bagay na nakaugaliang gawin.

Kabilang na rito ang labis na pag-inom ng soda, pagkain ng karne at ice cream na hindi rin nakabubuti sa kalusugan ng tao.

Hinimok ni Bishop Santos ang mananampalataya na ugaling magbasa ng Bibliya at ibahagi sa kapwa, magbahagi ng mga kuwentong nakasisigla sa damdamin ng kapwa, at pagbibigay halaga sa mga mahal sa buhay.

Aniya, dapat iwasan rin ng mananampalataya ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon o fake news lalo na sa social media.

Nabatid sa pag-aaral ng Hootsuite at We Are Social sa pinakahuling ulat nitong 2019 nangunguna ang Pilipinas sa may pinakamadalas gumamit ng internet kung saan naglalaan ito ng higit sa sampung oras bawat araw.

Sinabi pa ni Bishop Santos na dapat pagyabungin ng 86 na milyong Katoliko sa bansa ang buhay pananampalataya sa pamamagitan ng pagdalo sa mga Banal na Misa, ipanalangin ang kahilingan ng mamamayan at kaluwalhatian ng mga kaluluwa ng namayapang mahal sa buhay, mangumpisal, at ugaliin ang pananalangin bago at pagkatapos ng buong maghapon.

Bukod dito, hinamon rin ng Obispo ang mananampalataya na magsagawa ng corporal works of mercy bilang pakikiisa sa misyon ni Hesus na kalingain ang sangkatauhan sa kabila ng mga pagkukulang at ipadama ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa sanilikha.

Mensahe ni Bishop Santos na maging tapat sa mga alintuntunin ng Panginoon upang maisakatuparan ang hamon at maging biyaya sa kapwa.

“To fulfill these challenges this Lenten period is to be good, to do good. These activities are beneficial to all, to bless and be a blessing to others,” ani ni Bishop Santos

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 9,086 total views

 9,086 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 83,700 total views

 83,700 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 163,779 total views

 163,779 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 206,918 total views

 206,918 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 207,454 total views

 207,454 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top