Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na makibahagi sa paghahanda sa 2025 Jubilee Year

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,935 total views

Hinikayat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na sama-samang paghandaan ngayong Adbiyento ang Pasko ng pagsilang ng Panginoon at ang Ordinary Jubilee Year sa susunod na taon.

Sa liham sirkular, sinabi ni Cardinal Advincula na magandang pagkakataon ang Adbiyento upang ihanda ang mga sarili sa pagdiriwang ng Banal na Taon na may temang “Pilgrims of Hope”.

Ang pagdiriwang sa Arkidiyosesis ng Maynila ay bibigyang-diin ang tatlong mahahalagang aspeto: ang Mukha ng Pag-asa, Paglago sa Pag-asa, at Pagbibigay ng Pag-asa.

“We will use this framework to guide our celebrations, activities, and experiences in all levels and sectors of the Archdiocese,” ayon sa sirkular ni Cardinal Advincula.

Bilang bahagi ng paghahanda, iminungkahi sa mga parokya, mission stations, at mga pamayanan na gamitin ang inihandang catechetical videos ng arkidiyosesis, na maaaring ipalabas lalo na sa Simbang Gabi upang higit na maunawaan ng mga mananampalataya ang kahulugan ng Jubilee Year.

Inaanyayahan din ni Cardinal Advincula ang lahat na makibahagi sa maringal na pagbubukas ng Jubilee Year sa December 30, 2024, ganap na alas-3 ng hapon sa Plaza Moriones, Fort Santiago, Intramuros, Maynila.

Dito’y isasagawa ang pilgrimage mula Plaza Moriones patungo sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral, bilang simbolo ng sama-samang paglalakbay ng mga mananampalataya bilang mga ‘Kalakbay ng Pag-asa’.

“I hope that this invitation may favor your enthusiasm and participation. May our hearts be filled with the light of Christian hope and illumine us to bear faithful witness in every part of the world,” saad ni Cardinal Advincula.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa ad hoc committee para sa arkidiyosesanong pagdiriwang ng Jubilee Year sa email na [email protected].

Maaari ring bisitahin ang official facebook page na Lakbay Pag-asa – Arkidiyosesis ng Maynila, para sa mga update at iba pang detalye ng pagdiriwang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 6,503 total views

 6,503 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 15,867 total views

 15,867 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 42,323 total views

 42,323 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 92,794 total views

 92,794 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 97,942 total views

 97,942 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top