Mananampalataya, pinaalalahan ng pagbabalik-handog sa Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,011 total views

Pinaalalahanan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya sa kahalagahan ng pagbabalik-handog bilang pasasalamat sa Diyos.

Ayon kay Office on Stewardship Chairperson at Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, ang pagbabalik-handog ay pasasalamat at pagkilala sa kanyang pagmamay-ari.

Mensahe ito ng Obispo sa pagdiriwang ng Stewardship Month sa Setyembre kung saan binigyang-diin ng opisyal ang pagbabalik-handog ng panahon, talento at materyal na kayamanan.

“Ang una sa lahat ay ang balik-handog ng panahon. Nagbibigay tayo ng panahon sa Diyos sa ating pagdarasal, sa ating pagsamba sa kanya sa Banal na Misa at sa pagbabasa ng Bibliya. Palaguin natin ang pananampalataya na bigay ng Diyos,” bahagi ng liham pastoral ni Bishop Pabillo.

Hinikayat din ng opisyal mananampalataya na magbalik handog ng mga talentong ipinagkaloob sa bawat isa sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba’t ibang apostolate services ng Simbahan.

“Kung ito ay gagawin ng lahat hindi tayo magkukulang ng mga taong maglilingkod sa Simbahan, at marami ang magagawa ng simbahan upang maglingkod sa mga nangangailangan,” ani Bishop Pabillo.

Ipinaliwanag ng Obispo na walang itinakdang sukat ang Panginoon sa pagbabalik-handog kundi isang bukal sa kalooban at kabukasan ng puso.

Iginiit ni Bishop Pabillo na ang pagiging mabuting katiwala ay bahagi ng pagpapakabanal dahil nagiging katuwang ng Diyos ang tao sa pagpapalago ng mga kaloob sa sangkatauhan.

“Nagiging daluyan tayo ng pangangalaga ng Diyos sa ating kapwa. Sa ating pagbabalik-handog nagiging generous tayo sa Diyos at sa kapwa at sa gayon nagiging mapagmahal,” saad ni Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lason sa utak ng kabataan

 27,443 total views

 27,443 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 54,094 total views

 54,094 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 149,152 total views

 149,152 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 170,691 total views

 170,691 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 183,900 total views

 183,900 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top