Mananampalataya, pinayuhan ng Simbahan na kanselahin muna ang pagpapakasal at binyag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 513 total reads

Hinikayat ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang mananampalataya na ikonsiderang ipagpaliban ang mga kasal at binyag bunsod na rin ng banta ng corona virus disease.

Ayon sa Obispo sa kabila ng pagkansela ng mga banal na misa, magpapatuloy naman ang mga gawaing pansimbahan lalo ngayong Semana Santa sa pamamagitan ng internet.

“We are having our live streaming and we encourage people to postpone weddings and baptisms,” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Mallari na ito ay hakbang upang maiwasan na magtipon-tipon ang maraming tao alinsunod sa panuntuning inilabas ng gobyerno partikular ng Department of Health.

Magugunitang agad na ipinag-utos ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagkansela ng mga pagtitipon sa simbahan para maiwasan ang labis na pagkalat ng virus na naipapasa sa pamamagitan ng talsik ng laway mula sa taong nagtataglay ng COVID 19.

Bukod dito hinimok din ni Bishop Mallari ang mananampalataya na gawin na lamang sa mga bahay ang pagbabasbas sa mga yumaong mahal sa buhay upang bukod tanging pamilya lamang ang dadalo at madaling ipatupad ang physical distancing.

“We encourage blessing of the dead in houses instead of doing it in churches,” saad pa ng obispo.

Dahil sa kanseladong mga misa at iba pang gawaing simbahan lalo ngayong nalalapit na ang mga Mahal na Araw, pinaiigting ng Radyo Veritas 846 ang on air at online masses tuwing alas sais ng umaga, alas dose ng tanghali at alas sais ng gabi habang naghahanda na rin sa pagpapaabot sa mga mananampalataya ng mga gawain sa Mahal na Araw mula sa iba’t ibang simbahan sa Metro Manila tulad ng online visita iglesia, pitong huling wika, misa ng krisma, at ang mga gawain sa Paschal triduum.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 4,208 total reads

 4,208 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 91,300 total reads

 91,300 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 128,673 total reads

 128,673 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 159,934 total reads

 159,934 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 232,538 total reads

 232,538 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top