Manatiling inspirasyon si Cardinal Tagle, panawagan ng Obispo sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,201 total reads

Hinimok ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang sambayanang Filipino na manatiling inspirasyon si Cardinal Luis Antonio Tagle at ipagpatuloy ang panalangin para sa kanyang paglilingkod sa simbahan.

Kasunod ito ng pagdaramdam ng ilang Pilipino sa hindi pagkakahalal kay Cardinal Tagle bilang Santo Papa sa katatapos lamang na Papal Conclave, kung saan si Cardinal Robert Prevost, OSA ang napiling ika-267 Santo Papa sa pangalang Pope Leo XIV.

“To all Filipinos who had their hearts set on Cardinal Luis Antonio Tagle becoming the Pope, let’s acknowledge the pride and hope he brought as a potential leader of the Catholic Church…Let us continue praying for him as he does his best in helping Pope Leo XIV in building a synodal Church,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radyo Veritas.

Kabilang si Cardinal Tagle sa 133 Cardinal Electors na lumahok sa Conclave, kasama sina Catholic Bishops’ Conference of the Philippines president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David at Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Nauna nang ipinaliwanag ni CBCP-Public Affairs Commission executive secretary, Fr. Jerome Secillano, na ang pagkakahirang kay Cardinal Prevost ay hindi bunga ng politika kundi ng taimtim na pananalangin at pagninilay ng Cardinal Electors, na isinagawa batay sa tunay na pangangailangan ng Simbahan at lipunan, at hindi lamang sa kagustuhan ng taumbayan.

Samantala, nagpaabot din ng pagbati si Bishop Mangalinao kay Papa Leon XIV na magpapastol sa mahigit 1.4 bilyong Katoliko sa buong mundo.

“To Pope Leo XIV, our warmest congratulations on your election as the new leader of the Catholic Church! We welcome your vision and leadership, inspired by your unique blend of North American and Latin American perspectives,” pagbati ni Bishop Mangalinao kay Papa Leon XIV.

Dalangin ng obispo na patuloy na gabayan ng Espiritu Santo ang Santo Papa tungo sa pagkakaisa, kababaang-loob, at paglilingkod–na kanyang binigyang-diin sa unang Urbi Et Orbi message, na siya’y nahalal upang maglingkod, hindi lamang sa Roma, kundi sa buong sangkatuhan.

Hinihiling din ni Bishop Mangalinao ang pagtutok ni Pope Leo XIV sa mga usaping tulad ng pangangalaga sa kalikasan, synodality, at pagtugon sa pangangailangan ng mga dukha, sa pamamagitan ng mga karanasan bilang dating Prefect ng Vatican Dicastery for Bishops, para sa tapat at bukas na pamumuno sa Simbahan.

“With his experience as Prefect of the Dicastery for Bishops, may prioritize transparency and accountability within the Church, ensuring the well-being of all its members. By your word and deed, continue empowering the poor, the vulnerable, and the marginalized, providing them with a stronger voice within the Church,” saad ni Bishop Mangalinao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 33,879 total reads

 33,879 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 260,468 total reads

 260,468 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 153,935 total reads

 153,935 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 247,966 total reads

 247,966 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 290,585 total reads

 290,585 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 150,009 total reads

 150,009 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top