13,296 total views
Hiniling ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mananampalataya na manatiling nakatuon kay Hesus sa anumang sitwasyong kinakaharap ng buhay.
Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David bagamat mahalagang magbalik tanaw sa mga pinagdadaanan habang naglalakbay subalit dapat maging maingat upang maiwasang manatili sa mga nakaraang karanasang dulot ng sugat, kabiguan, panghihinayang at pagkadismaya.
Aniya ang patuloy na pagbabalik tanaw sa mga hindi magandang karanasan ang kadalasang sanhi ng hindi pag-usad sa buhay.
“Dear brother bishops, in our ministry, there will always be regrets, conflicts, betrayals, disappointments — even within our brotherhood. May these not turn our hearts to stone. May we remember: when the temptation comes to keep looking back, to look instead at Christ, who is with us in the boat. And when the storm rages, may we not be afraid of crying out our lament, trusting that our God is a God who hears the cry of the poor,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal David.
Pinagnilayan ni Cardinal David ang naranasang takot ng mga apostol habang sakay ng bangka sa gitna ng matinding unos subalit nanatiling tulog si Hesus.
Paliwanag ng opisyal na ipinakikita sa Mabuting Balita na dapat matutuhan ng tao na magtiwala sa Diyos lalo na sa mga panahon dumadaan sa matinding pagsubok sa buhay. “I like to think that when the Lord sleeps in our boat, He is teaching us that the storms will come, and sometimes we will feel alone, but we are never really alone. He is there, though sometimes in silence,” ani Cardinal David.
Binigyang diin ng cardinal na sa kabila ng mga hamong kakaharapin sa paglilingkod sa kristiyanong pamayanan ay dapat patuloy at paigtingin ang pagtitiwala sa Diyos na gumagabay at nagbibigay liwanag sa buhay. “May we always keep our eyes on the One who is our goal, the one who keeps both humanity and divinity together into one person, let us fix our gaze on him who is our true destination — and lead our people to do the same,” giit ng cardinal.
Pinangunahan ni Cardinal David ang banal na misa sa ikalawang araw ng CBCP Retreat at National Synodal Consultations sa Cathedral Shrine – Parish of Saint Joseph sa Tagbilaran City katuwang sina Gumaca Bishop Euginius Canete at Iligan Bishop Jose Rapadas III