Manggagawa, hindi pa ganap na malaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,014 total reads

Iginiit ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER na nananatiling mailap para sa milyun-milyong manggagawang Pilipino ang tunay na kalayaan dahil sa patuloy na epekto ng mga patakarang nakatuon sa tubo ng malalaking negosyo.

Ayon kay EILER Executive Director Rochelle Porras, patuloy na nangingibabaw ang interes ng malalaking kompanya at dayuhang pamumuhunan kaysa sa kapakanan ng mga manggagawa sa ilang umiiral na patakarang pang-ekonomiya.

Binigyang-diin ng grupo ang Wage Rationalization Act, Value-Added Tax o VAT sa batayang produkto at serbisyo, privatization, flexibilization ng paggawa, at iba pang polisiya na sinasabi nilang nagpapabigat sa kalagayan ng mga manggagawa.

Ayon kay Porras, ang mga ito ay patunay ng pag-una sa tubo kaysa sa karapatan ng mga manggagawa.

Aniya, “Ang pagpapatuloy ng Wage Rationalization Act, Value-Added Tax sa mga batayang serbisyo at produkto, pribatisasyon, flexibility ng paggawa, at iba pang anti-mamamayang polisiya ay malinaw na pagprayoritisa sa interes ng tubo ng malalaking negosyo kaysa sa kapakanan ng mga manggagawa.”

Sa kabila ng sinasabing paglago ng ekonomiya dahil sa dayuhang pamumuhunan at pangungutang, sinabi ng EILER na nananatiling mababa ang sahod ng maraming manggagawa, laganap ang kontraktwalisasyon, at nananatili ang mga hamon sa karapatan sa pag-oorganisa at pagbubuo ng unyon.

Naniniwala ang grupo na makakamit lamang ang tunay na kalayaan sa pamamagitan ng pambansang industriyalisasyon, tunay na repormang agraryo, nakabubuhay na sahod, seguridad sa trabaho, at mas demokratikong pamamahala sa ekonomiya at likas na yaman ng bansa.

Giit pa ni Porras, “Ang tunay na kalayaan ay kalayaan mula sa mga polisiyang neoliberal na pumapabor lamang sa tubo, monopolyo, at dayuhang interes.”

Dagdag pa niya, patuloy na ipinapaalala ng Araw ng Kalayaan ang nagpapatuloy na pakikibaka ng mga manggagawa para sa karapatan, pambansang patrimonya, at makataong pag-unlad.

Mensahe ito ng EILER sa paggunita ng Araw ng Kalayaan kung saan muling nanawagan ang grupo ng mas malalim na reporma sa ekonomiya at paggawa para sa mas maayos na kalagayan ng mga manggagawang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 55,603 total reads

 55,603 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 88,931 total reads

 88,931 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 190,757 total reads

 190,757 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 231,315 total reads

 231,315 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 249,575 total reads

 249,575 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

73-taong paglilingkod sa mahihirap

 478 total reads

 478 total reads Kinilala ng Caritas Manila, social arm ng Archdiocese of Manila ang mahalagang papel ng volunteers, donors, benefactors at mission partners sa pagpapalaganap ng

Read More »
Scroll to Top