Manggagawa, hinimok ng EILER na maging mangahas sa taong 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,073 total reads

Hinimok ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER ang sektor ng mga manggagawa na ipagpatuloy ang pakikibaka para sa kanilang karapatan para sa taong 2025.

Ayon sa Church Based Labor Group, ito ay upang makamit na ng mga manggagawa ang mga panawagan na katarungang panlipunan tulad ng pagbuwag sa kontrakwalisasyon at pagtataas ng suweldo, pagbibigay ng kaukulang benepisyo gayundin ang pagtiyak ng kaligtasan sa lugar paggawa.

“Patuloy nating itayo ang ating mga unyon. Hasain natin ang ating makapangyarihang sandata para sa kapakanan at karapatan. Gamit ito, sumulong tayo para sa tunay na pambansang kalayaan at demokrasya hanggang sa ganap na pagbabagong panlipunan!,” ayon sa mensahe ng EILER.

Umaasa ang EILER na higit na lumawak ang kaalaman ng mga mamamayan hinggil sa kahalagahan ng pagbibigay katarungan sa paggawa at pakikiisa sa karaingan ng mga manggagawa.

Iginiit naman ng EILER panawagan na ‘Sahod Itaas! Presyo Ibaba!’ at ‘Hashtag Mangahas 2025’.

“Sa 2025: mas malawak, mas matibay, mas malakas! 💪 Ang ating panata: MANGAHAS!
Mangahas umabot at magpalawak! Mangahas makibaka! Mangahas magtagumpay! 🚩
#Mangahas2025 #KMU45,” bahagi pa ng mensahe ng EILER.

Unang nakiisa ang Kaniyang Kabanalang Francisco sa pag-apela sa mga employers sa buong mundo na tiyaking ligtas ang mga manggagawa tuwing nasa trabaho.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 38,593 total reads

 38,593 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 72,880 total reads

 72,880 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 129,286 total reads

 129,286 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 250,940 total reads

 250,940 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top