Manigong bagong taon, kahilingan ng Rector ng Quiapo church sa Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 763 total reads

Isang manigong bagong taon ang kahilingan ni Msgr. Hernando Coronel para sa darating na taong 2021.

Ito ang pagninilay ng rector at parish priest ng Minor Basilica of The Black Nazarene O Quiapo Church sa unang araw ng Misa De Gallo nitong Miyerkules, ika – 16 ng Disyembre.

Sa Misa de Gallo, hinimok ni Msgr. Coronel ang mahigit sa isanlibong mananampalataya na dumalo na manatiling kumapit at manalig sa diyos sa kabila ng iba’t-ibang hamong kinaharap ng lipunan dulot ng pandemya at mga kalamidad.

“Ang hiling ko sa Mahal na Poong Hesus Nazareno ang isang manigong bagong taon 2021, na matapos na itong pandemyang COVID-19. Mas kumapit tayo sa Diyos mga Kapatid,”pagninilay ni Msgr. Coronel.



Mahigpit na ipinatupad sa Quiapo Church ang safety protocol bilang pag-iingat mula sa nakahahawang virus lalo na ang physical distancing sa loob at labas ng simbahan.

Hinikayat ni Msgr. Coronel ang mananampalataya at deboto ng Poong Nazareno na sundin ang kautusan ng pamahalaan kaugnay sa pag-iingat sa kalusugan upang mapigilan na ang pagkalat ng COVID-19.

“Mag-ingat po tayo at sundin natin ang mga safety health protocol. Nawa’y makabalik tayo sa normal na malayang makapagsamba at makapaglingkod sa ating Panginoon, ” dagdag ng pari.

Magkatuwang ang mga Hijos at kawani ng Philippine National Police sa pagpapatupad ng mga safety measures sa paligid ng Quiapo upang mapanatili ang kaayusan.

Nakatalaga lamang sa Palanca street ang entrace o papasok ng simbahan habang exit points naman sa Carriedo street at Quezon Boulevard upang matiyak na kontrolado lamang ang mga taong makapapasok ng simbahan at mapanatili ang physical distancing.

Sa pagpasok sa loob ng simbahan kinakailangan dumaan sa foot bath ang bawat isa, habang nakaantabay din ang pag-check sa temperature at paglalagay ng alcohol sa kamay gayundin ang pagsusulat sa contact tracing form.

Umaasa si Msgr. Coronel na diringgin ng Panginoon ang mga pagsusumamo at kahilingan ng mananampalatayang nagsasakripisyo sa siyam na araw na paghahanda ng Pasko ng Pagsilang.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,436 total reads

 13,436 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,573 total reads

 14,573 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 29,720 total reads

 29,720 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,097 total reads

 67,097 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 98,367 total reads

 98,367 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 173,719 total reads

 173,719 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 266,506 total reads

 266,506 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,437 total reads

 13,437 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top