Manila in Print exhibit, bubuksan sa St.Joseph chapel ng Manila cathedral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,672 total reads

Inaanyayahan ng Manila Cathedral ang bawat Pilipino na makibahagi sa isang natatanging pagtatanghal ng mga makasaysayang bagay at larawan bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa June 12.

Sa pakikipagtulungan ng Gallery of Prints, tampok sa pagtatanghal na pinamagatang “Manila in Print” ang mga antigong larawan, mapa, at dokumentong naglalarawan sa kasaysayan ng Manila Cathedral, ng Intramuros, at ng lungsod ng Maynila.

Bubuksan ang exhibit sa June 12 sa St. Joseph Chapel ng Manila Cathedral at tatagal hanggang June 14.

Ayon sa pabatid ng katedral, layunin ng inisyatiba na bigyang-halaga ang mayamang kasaysayan at pamanang kultura ng bansa habang ginugunita ng sambayanang Pilipino ang kasarinlan ng Pilipinas.

Sa pamamagitan ng mga makasaysayang materyal na nakapaloob sa exhibit, mabibigyan ang publiko ng pagkakataong mas mapalalim ang pag-unawa sa mga karanasang humubog sa Maynila at sa pambansang pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

Bukod sa exhibit, muling bubuksan din ng katedral sa publiko mula alas 9 ng umaga hanggang alas 6 ng hapon ang mga natatanging lugar ng dambana tulad ng cathedral crypt, choir loft, at roof deck ng simbahan.

Magkakaroon ng banal na misa sa alas 7:30 ng umaga at alas 12:10 ng tanghali, pipe organ concert sa alas 9:30 ng umaga at ala 1:30 ng hapon, at free guided tours mula alas 10 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon.

Hinikayat ng Manila Cathedral ang mga mamamayan, pamilya, estudyante, historyador, at mga deboto na bisitahin ang Manila in Print exhibit at open house at maging bahagi ng paggunita sa ika-128 anibersaryo ng kasarinlan ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 72,299 total reads

 72,299 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 116,975 total reads

 116,975 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 139,177 total reads

 139,177 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 175,668 total reads

 175,668 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 391,899 total reads

 391,899 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top