Manila in Print exhibit, bubuksan sa St.Joseph chapel ng Manila cathedral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,820 total reads

Inaanyayahan ng Manila Cathedral ang bawat Pilipino na makibahagi sa isang natatanging pagtatanghal ng mga makasaysayang bagay at larawan bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa June 12.

Sa pakikipagtulungan ng Gallery of Prints, tampok sa pagtatanghal na pinamagatang “Manila in Print” ang mga antigong larawan, mapa, at dokumentong naglalarawan sa kasaysayan ng Manila Cathedral, ng Intramuros, at ng lungsod ng Maynila.

Bubuksan ang exhibit sa June 12 sa St. Joseph Chapel ng Manila Cathedral at tatagal hanggang June 14.

Ayon sa pabatid ng katedral, layunin ng inisyatiba na bigyang-halaga ang mayamang kasaysayan at pamanang kultura ng bansa habang ginugunita ng sambayanang Pilipino ang kasarinlan ng Pilipinas.

Sa pamamagitan ng mga makasaysayang materyal na nakapaloob sa exhibit, mabibigyan ang publiko ng pagkakataong mas mapalalim ang pag-unawa sa mga karanasang humubog sa Maynila at sa pambansang pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

Bukod sa exhibit, muling bubuksan din ng katedral sa publiko mula alas 9 ng umaga hanggang alas 6 ng hapon ang mga natatanging lugar ng dambana tulad ng cathedral crypt, choir loft, at roof deck ng simbahan.

Magkakaroon ng banal na misa sa alas 7:30 ng umaga at alas 12:10 ng tanghali, pipe organ concert sa alas 9:30 ng umaga at ala 1:30 ng hapon, at free guided tours mula alas 10 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon.

Hinikayat ng Manila Cathedral ang mga mamamayan, pamilya, estudyante, historyador, at mga deboto na bisitahin ang Manila in Print exhibit at open house at maging bahagi ng paggunita sa ika-128 anibersaryo ng kasarinlan ng bansa.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 13,836 total reads

 13,836 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 13,963 total reads

 13,963 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 25,063 total reads

 25,063 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 81,469 total reads

 81,469 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 204,970 total reads

 204,970 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 289,099 total reads

 289,099 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top