Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Martial law nga ba ang kailangan?

SHARE THE TRUTH

 662 total views

Mga Kapanalig, dahil sa nangyayaring sagupaan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at ng Maute Group sa Marawi, nagdeklara si Pangulong Duterte ng martial law sa buong Mindanao noong nakaraang Martes, ika-23 ng Mayo. Sa bisa ng Proclamation No. 216, sinususpinde ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus; ibig sabihin, maaaring dakpin ng estado—alinsunod sa proseso ng batas—ang sinuman nang walang warrant. Gaya ng pinahihintulutan ng ating Saligang Batas, ang pagsasailalim sa Mindanao sa batas militar ay hanggang dalawang buwan lamang, ngunit nagpahiwatig ang ating pangulo na maaari niya itong palawigin. Hindi rin niya isinasantabi ang posibilidad na ilagay ang buong bansa sa ilalim ng martial law kung aabot daw ang gulo sa ibang bahagi ng bansa. Banta pa niya, ang martial law na kanyang ipatutupad ay magiging marahas gaya ng ginawa ni dating Pangulong Marcos.

Umani ng iba’t ibang reaksyon ang pagsasailalim ng buong Mindanao sa martial law. May mga sumang-ayon dito, at may mga tumutol din, kabilang ang ilang grupo sa Mindanao. May mga nagtatanong: kung sa Marawi naman naganap ang pag-atake, bakit kinakailangang buong isla ng Mindanao ang ipasailalim sa martial law? Hindi raw ba sasapat na ideklara lamang ito sa Lanao del Sur, ang probinsyang nakasasakop sa Marawi? Sa laki at lawak ng saklaw ng kapangyarihan ng pangulo—kasama ang Sandatahang Lakas at Pambansang Kapulisan—bakit martial law agad ang naging tugon ng administrasyon sa sitwasyon sa Marawi?

Nakaugat ang mga agam-agam na ito hinggil sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao sa karanasan natin nang isinailalim ang Pilipinas sa batas militar noong rehimeng Marcos. Itinuturing iyon bilang isa sa madilim na yugto sa ating kasaysayan, dahil naging laganap noon ang mga paglabag sa karapatang pantao at pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa poder. Ito ang mga dahilan kung bakit inilagay sa kasalukuyan nating Saligang Batas ang mga “safeguards” o pananggalang bago magdeklara ang pangulo ng batas militar.

Kinikilala ng Santa Iglesia ang terorismo bilang mabigat na kasalanan sa buong sangkatauhan, kaya makatwiran lamang na ipagtanggol natin ang ating mga sarili laban sa mga nagpapalaganap nito. Ngunit ang pagtatanggol na ito ay dapat pa ring nakabatay sa moral at legal na mga panuntunan, sapagkat ang pagsugpo sa terorismo ay dapat na nakaugat sa dangal at karapatang pantao at sa mga prinsipyo ng estadong may mga batas na pinaiiral. Samakatuwid, bagamat ang sinasabing pangunahing dahilan ng pagpapairal ng batas militar sa Mindanao ay upang ilayo ang mga kababayan natin roon sa higit pang kapahamakan, hindi ito dapat na maging dahilan upang isantabi ang mga karapatan ninuman sa pamamagitan ng pag-abuso sa kapangyarihan ng mga tagapagpatupad ng batas at tagapagpanatili ng kapayapaan sa Mindanao.

Ganito ang pananaw ni Ozamiz Archbishop Martin Jumaod. Naniniwala siyang kailangang paigtingin ng pamahalaan ang aksyon nito upang maibalik ang kapayapaan at kaayusan sa Marawi. Ngunit paalala niya, kailangang may malinaw na mekanismo upang hindi humantong sa paglabag sa karapatang pantao at pang-aabuso ang pagbibigay ng dagdag kapangyarihan sa militar.

Sang-ayon man tayo o hindi sa naging pasya ng pangulo, lahat tayo ay umaasang matitigil sa lalong madaling panahon ang nagaganap na karahasan sa Marawi. Tayong mga malayo sa Marawi ay inaasahang laging maging mapanuri sa mga impormasyong ating nababasa, naririnig, at ibinabahagi. Patuloy tayong magdasal para sa kaligtasan ng ating mga kababayan, para sa lakas ng loob ng ating mga sundalo, at para sa malinaw sa pagpapasya ng ating pamahalaan.

Hindi man natin pa masasagot ang tanong kung martial law nga ba ang kailangan sa Mindanao, huwag nating hayaang humantong ang pasyang ito ng ating pamahalaan sa malawakang pag-abuso at kapahamakan ng mga inosente.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 9,817 total views

 9,817 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 24,528 total views

 24,528 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 37,386 total views

 37,386 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 111,643 total views

 111,643 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 167,297 total views

 167,297 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Promotor ng sugal

 9,818 total views

 9,818 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 24,529 total views

 24,529 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 37,387 total views

 37,387 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 111,644 total views

 111,644 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 167,298 total views

 167,298 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 122,406 total views

 122,406 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 109,328 total views

 109,328 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 119,191 total views

 119,191 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 147,104 total views

 147,104 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 164,662 total views

 164,662 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »
1234567