Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mary, Mercy at Mission, tatahaking daan ng simbahan sa Asya

SHARE THE TRUTH

 559 total views

Inihayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos na dapat isapuso ng mananampalataya lalo sa Asya ang tatlong pamantayang tatahakin sa mas malagong simbahan.

Ayon sa Obispo, sa dalawang linggong pagpupulong ng Asian bishops ay marami ang natutuhang mga paraan para sa pagpapatibay ng kristiyanismo sa Asya at higit na yumabong ang misyon.

“We pray and hope for the Holy Spirit to lead us and to love new pathways as we journey together as Peoples of Asia… As we proceed “journeying together” for me, let us be reminded of these pathways: Mary. Mercy. Mission.” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Batid ni Bishop Santos na matatagpuan sa Asya ang tatlong greatest monotheistic religions ang Kristiyanismo, Judaismo at Islam na kapwa nagpaparangal at nagbibigay galang sa Mahal na Birheng Maria bilang ina ni Hesus.

Sinabi ng Obispo na dalangin ng Federation of Asian Bishops’ Conferences ang paggabay ng Mahal na Ina tungo sa mas malawak na pagmimisyon.

Naniniwala ang obispo na ang tatlong relihiyon sa Asya na pawang nagsusulong at nagsasabuhay sa habag at awa ng Panginoon bilang bahagi ng misyon ni Hesus sa sanlibutan.

Kinilala ni Bishop Santos ang pagsisikap ng mga dayuhang misyonerong nagpalaganap ng binhi ng kristiyanismo sa Asya na nararapat pagyabungin lalo sa Pilipinas na ipinagdiwang ang ikalimang sentenaryo ng pananampalataya.

“Asia now is on a MISSION. We must now bring back faithfully to those lands what we have received fruitfully from them… As journeying together there will be encounters and new experiences. There will be those already on the road, or long the road or by the side of the road. As we proceed let us impart to them, tell them and share our Mission, our Mercy and our dearest Mother Mary.” ani Bishop Santos.

Magatatapos sa October 30 ang pagpupulong ng asian bishops sa pagdiriwang ng ika – 50 anibersaryong pagkatatag ng FABC.

Layunin nitong higit mapagtibay ang misyon ng mga simbahan sa Asya sa kabila ng iba’t ibang uri ng hamon at suliraning kinakaharap ng bawat bansa sa kasalukuyang panahon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 27,346 total views

 27,346 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 57,427 total views

 57,427 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 71,487 total views

 71,487 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 89,862 total views

 89,862 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567