20,139 total views
Mariing kinondena ng Church Leaders Council for National Transformation ang matinding katiwalian sa mga flood control projects sa bansa.
Ayon sa grupo, ang naturang kontrobersyal na usapin ay hindi lamang paglabag sa batas kundi isang “moral na kasamaan” na sumisira sa dangal ng sambayanan at nagdudulot ng paghihirap at labis na pagdurusa lalo na sa mga mahihirap.
Giit ng grupo ng mga lider ng iba’t ibang denominasyon sa bansa, ang katiwalian ay sumisira hindi lamang sa dangal ng sambayanan kundi umaangkin din sa kaban ng bayan at nagpapahina sa mismong pundasyon ng lipunan.
“We, the members of the Church Leaders Council for National Transformation, gathered in prayerful discernment, raise our voices in unequivocal condemnation of the brazen corruption plaguing our nation’s flood control projects… Such corruption is not merely a fiscal betrayal; it is a moral abomination that strikes at the heart of our people’s dignity.” Bahagi ng pahayag ng CLCNT.
Nanawagan naman ang Church Leaders Council for National Transformation sa lahat ng sektor ng lipunan—mga lingkod-bayan, Simbahan, at mamamayan—na magsama-sama laban sa katiwalian at igiit ang pananagutan, reporma, at integridad sa pamamahala sa bansa.
Giit ng grupo, ang tunay na pagbabago ng bayan ay makakamtan lamang kung higit na isusulong ng bawat isa ang katarungan, kabutihang panlahat, at ang tapat na pamumuno na naglilingkod hindi sa pansariling interes kundi para sa kabutihan at pag-ulad ng buhay ng sambayanan.
“This flood control scandal is emblematic of deeper systemic rot that afflicts our governance, eroding public trust and hindering national transformation. It directly imperils the lives of all Filipinos, but most grievously the vulnerable: the urban poor huddled in evacuation centers, farmers whose fields are inundated, and children deprived of safe futures. We call upon every Filipino citizen—lay faithful, clergy, public servants, and leaders—to rise in prophetic witness against this and all forms of corruption. Demand accountability, support transparent reforms, and vote with integrity.” Dagdag pa ng grupo.
Batay sa ulat ng Senado, tinukoy ni Senador Panfilo Lacson na tinatayang nasa 40 porsyento lamang ng pondo para sa flood control projects ang tunay na napapakinabangan, habang ang malaking bahagi nito ay nauuwi sa mga ghost projects, substandard na mga istruktura, at katiwalian.
Kaugnay nito, inalala rin ng grupo ang mga pahayag ni Pope Francis na “Corruption is paid by the poor,” na mariing kumukundina sa lahat ng anyo ng katiwalian o korapsyon na higit na nagpapahirap sa mga mahihirap na malinaw na nakikita sa kalagayan ng mga pamilya sa mga binabahang barangay na nawawalan ng tahanan, kabuhayan, at kinabukasan dahil sa bunga ng katiwalian sa mga flood control projects sa bansa.