Matinding pinsala ng magnitude 7.8 na lindol, tinamo ng ilang komunidad sa General Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,292 total views

Patuloy na kinakaharap ng ilang komunidad sa General Santos City, Sarangani, at South Cotabato ang epekto ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Mindanao noong Hunyo 8, kabilang ang mga pagguho ng lupa, pagkasira ng mga tulay, kakulangan sa tubig at kuryente, at pinsala sa mga tahanan at pasilidad ng simbahan.

Batay sa Rapid Needs Assessment ng Social Action Center ng Diocese of Marbel, pinakamalubhang naapektuhan ang General Santos City kung saan naitala ang 13 nasawi, 144 sugatan, at apat na nawawala, habang tinatayang nasa halos 2,000 pamilya ang naapektuhan at mahigit 1,500 bahay ang nagtamo ng pinsala.

Aabot naman sa 66 imprastraktura sa lungsod ang nasira, kabilang ang mga paaralan, ospital, simbahan, establisimyento, at ang General Santos City International Airport.

Sa Sarangani, hindi bababa sa 11 kumpirmadong nasawi at mahigit 100 sugatan, habang higit sa 5,100 pamilya ang naapektuhan ng lindol at ng kasunod na tsunami alert.

Nananatiling hindi madaanan ang ilang pangunahing kalsada at tulay sa lalawigan, lalo na sa bayan ng Glan, habang limitado pa rin ang suplay ng tubig, kuryente, at komunikasyon sa ilang lugar.

Sa South Cotabato naman, tatlo ang nasawi at 203 ang nasugatan, habang naitala rin ang pinsala sa 112 gusali at imprastraktura at 432 bahay.

Una nang umapela ng agarang tulong si Marbel SAC Director Fr. Jerome Millan para sa mga pangangailangan ng mga apektadong pamilya, kabilang ang hygiene kits, solar lamps, maiinom na tubig, at pagkain.

Patuloy naman ang isinasagawang pangangalap ng datos at assessment ng Diocese of Marbel at mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang kabuuang lawak ng pinsala at mapabilis ang pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong komunidad.

Batay naman sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 45 ang kumpirmadong nasawi, 630 ang sugatan, at 17 ang nawawala, habang halos 36,000 pamilya sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao ang apektado ng pagyanig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 7,924 total views

 7,924 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 75,653 total views

 75,653 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 98,805 total views

 98,805 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 168,919 total views

 168,919 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 243,068 total views

 243,068 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top