May hangganan ang pang-aabuso sa kapangyarihan, mensahe ng EDSA revolution

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,349 total views

Nagpahayag ng pakikiisa ang Commission on Human Rights (CHR) sa paggunita ng ika-35 anibersaryo ng makasaysayang EDSA People Power Revolution.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, mahalaga ang patuloy na pag-alala sa mahalagang bahagi ng kasaysayan ng bansa kung saan nanaig ang tinig at pagkakaisa ng taumbayan laban sa mapang-abusong pamamahala ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Paliwanag ng opisyal, bagamat hindi pa rin ganap na nakakamit ng mamamayang Filipino ang ilan sa mga ipinaglaban ng sambayanan 35-taon na ang nakakalipas ay isa naman itong hamon upang patuloy na pagsumikapan ng kasalukuyang henerasyon na pangalagaan ang bansa mula sa banta ng paniniil.
“Mahalaga ang pag-alala upang hindi tayo makalimot sa monumental na pangyayari sa ating bansa kung saan nanaig ang boses at pagkakaisa ng taumbayan laban sa kalabisan ng kapangyarihan. Bagama’t hindi lahat ng ating aspirasyon bilang bansa ay nakamit natin matapos ang diktaturya, mahalagang mapaalala sa atin na may katapusan ang paghahari ng mga hindi makataong pinuno na sariling interes lamang ang inuuna.” Ang bahagi ng pahayag ni De Guia.
Umaasa rin si Atty. De Guia na patuloy itong magsilbing inspirasyon na sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagkakaroon ng iisang adhikain ay hindi imposibleng maiwaksi ang karahasang nagaganap sa lipunan.
Tiniyak naman ng opisyal ang patuloy na pagsisilbing tagapagbantay ng kumisyon sa mga pagmamalabis o pang-aabuso sa posisyon o kapangyarihan ng sinuman o anumang ahensya ng pamahalaan.
“Bilang isang institusyong ipinanganak matapos ang EDSA People Power Revolution, patuloy na magiging tapat ang Komisyon sa mandato na bantayan ang anumang pagmamalabis sa kapangyarihan ng estado, maging sinuman ang nakaluklok na pinuno.” Dagdag pa ni Atty. de Guia.
Itinatag ang Commission on Human Rights, matapos ang Martial Law noong 1987 sa ilalim ng Article 13, Section 17 at 18 ng Saligang Batas upang matiyak na hindi umaabuso ang pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno sa karapatang pantao ng bawat Filipino. Mariin din ang paninindigan ng Simbahang Katolika sa pagbibigay halaga sa karapatang pantao at sa mismong buhay ng bawat nilalang na kaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 46,197 total views

 46,197 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 42,066 total views

 42,066 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,268 total views

 78,268 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 87,003 total views

 87,003 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,415 total views

 112,415 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top