Pamunuan ng Quiapo church, binati ng opisyal ng Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 765 total reads

Binati ng opisyal ng Vatican ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa pagkakabilang nito sa nangungunang influencers sa social media.

Sa mensahe ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples, hinamon nito ang mga naglilingkod sa dambana ng Poong Nazareno na patuloy ipalaganap ang misyon na ipakilala si Hesus sa sambayanan lalo ngayong ipinagdiwang ng bansa ang ikalimang sentenaryo ng kristiyanismo.

“Congratulations to the Quiapo church ministers and community; Jesus is the ‘influencer’ we need and seek,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Tagle.

Batay sa pag-aaral ng BluePrint.PH pangalawa ang Quiapo Church sa top 10 influencer na nangangahulugang sinusundan ng maraming netizens ang mga gawain ng simbahan tulad ng banal na misa.

Ang Quiapo Church Facebook page ay may 1.6 million likes habang mahigit sa tatlong milyon naman ang followers. Una nang tiniyak ng Quiapo Church ang pagpapaigting sa ebanghelisasyon kung saan bukod sa mga banal na misa ay nagbabahagi rin ito ng mga katesismo.

Itinuturing naman ni Fr. Douglas Badong na malaking responsibilidad ang pagkabilang sa mga top influencers lalo’t halos 70 porsyento sa kabuuang populasyon ng Pilipinas ay gumagamit ng internet at naglalaan ng oras sa social media. Nang magsimula ang lockdown bunsod ng coronavirus pandemic noong Marso lahat ng mga gawaing pangsimbahan ay isinagawa online upang patuloy na makapaglingkod sa mga mananampalataya.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 21,416 total reads

 21,416 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 21,543 total reads

 21,543 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 38,490 total reads

 38,490 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 94,896 total reads

 94,896 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 218,397 total reads

 218,397 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 301,872 total reads

 301,872 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top