Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

May ibang paraan upang kumita ang pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 614 total views

Mga Kapanalig, dahil sa pandemya, marami sa mga nakasanayang gawin natin katulad ng pag-aaral, pagtatrabaho, pagpapatingin sa doktor, at pamimili ng grocery ay online na. Ngunit pati ang mga bisyong katulad ng pagsusugal ay naging online na rin.

Bagamat matagal nang may online gambling, mas nauso ngayon ang online sabong o e-sabong. Dahil sa pagbabawal na buksan ang mga sabungan upang hindi magkumpulan ang mga tao, nanonood na lamang ang mga sabungero sa kanilang cellphone ng live na laban ng mga panabong na manok, at doon na rin sila nakikipagpustahan at tumataya. Kung ang operasyon ng mga sabungan ay kailangang may pahintulot ng lokal na pamahalaan, ang online sabong naman ay nasa ilalim ng regulasyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (o PAGCOR). Pinatatakbo naman ng mga tinatawag na agents ang mga platforms kung saan nanonood at tumataya ang mga kasapi nilang sabungero. Hindi rin daw maaaring makapanood ang isang tao nang hindi tumataya. Ayon sa PAGCOR, ang industriya ng sabong ay nagkakahalaga ng 75 bilyong piso, kaya mahirap daw itong mawala lalo na’t may mga kababayan tayong dito kumukuha ng kabuhayan.

Sinabi noon ni Pangulong Duterte na tutol siya sa lahat ng uri ng pagsusugal dahil sa tinatawag na social costs nito o mga epektong nakasisira sa buhay at relasyon ng mga tumataya. Talamak din daw ang game-fixing o dayaan, at mahirap daw para sa gobyernong tiyaking hindi mahuhumaling ang kabataan sa mga ito. Ngunit kamakailan, pinayagan niya ang pagpapatuloy ng online sabong dahil daw sa ipinapasok nitong pera sa ating kaban. Kailangang-kailangan daw ang perang ito upang matustusan ang pagtugon ng pamahalaan sa nagpapatuloy pa ring pandemya at upang mapabilis ang pagbangon ng ating ekonomiyang pinilay ng pandemya. Nakumbinsi siya sa sinabi ng PAGCOR na maaaring umabot sa 8 bilyong piso ang kikitain ng pamahalaan ngayong taon mula lamang sa regulatory fees na babayaran ng mga lisensyadong magsagawa ng e-sabong.

Nakalulungkot isiping mas nangingibabaw sa ating pamahalaan ang perang makukuha mula sa mga nagsusugal kaysa sa nakababahalang epekto nito sa mga tao. Halimbawa, hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ang mahigit sa 30 taong sangkot sa e-sabong na nawawala. Mayroon pang balita tungkol sa isang magulang na ibinenta ang sarili niyang anak sa halagang ₱45,000 para mabayaran ang inutang niyang perang ipinantaya sa online sabong. Ilan lamang ang mga ito sa mga nakababahala at nakatatakot na bunga ng pagkalulong sa sugal, ngunit handa ang ating pamahalaang isantabi ang mga ito kapalit ng sinasabing maidadagdag nito sa pondo ng bayan.

Kung dagdag na pondo din lang ang pag-uusapan, bakit hindi na lang habulin ng pamahalaan ang mga malalaking tao at negosyong hindi nagbabayad ng tamang buwis? Bakit hindi nito wakasan ang katiwaliang naglalagay ng pera ng bayan sa bulsa ng mga sakim na tao sa gobyerno? Ang pag-iwas sa pagbabayad ng buwis at korapsyon ay ilan lamang sa mga itinuturing ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Evangelii Gaudium na ugat ng kawalan ng kakayahan ng mga pamahalaang tiyaking nakikinabang ang lahat sa bunga ng kaunlaran. Siguradong mas malaki pa ang kikitain ng pamahalaan mula sa paghabol sa mga tumatakas sa pagbabayad ng buwis at sa mga kurakot, kaysa sa kitang mula sa pagsusugal, na iilan lamang ang nakikinabang at sumisira sa buhay ng ating mga kababayan.

Mga Kapanalig, katulad ng sinasabi sa Mga Taga-Efeso 4:28, tayo, lalo na ang ating mga lider, ay tinatawagang “igawa ang [ating] mga kamay na mabuting bagay nang may maibigay sa nangangailangan.” Huwag lang tayong umasa sa mga bagay na magbibigay nga ng mabilis na pera, ngunit sumisira naman sa ating buhay at dignidad.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 8,510 total views

 8,510 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 38,591 total views

 38,591 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 52,650 total views

 52,650 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 71,159 total views

 71,159 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Kabiguan sa kabataan

 8,511 total views

 8,511 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 38,592 total views

 38,592 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 52,651 total views

 52,651 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 71,160 total views

 71,160 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 93,312 total views

 93,312 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 73,696 total views

 73,696 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 97,393 total views

 97,393 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 106,105 total views

 106,105 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 109,736 total views

 109,736 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »
1234567