Mayon volcano heritage aesthetic lighting project, tinututulan ng Diocese of Legazpi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,424 total reads

Mariing tinututulan ng Diyosesis ng Legazpi ang panukalang “Mayon Volcano Heritage Aesthetic Lighting Project” na layong palakasin ang turismo at ekonomiya ng Albay.

Sa inilabas na pahayag, iginiit ni Bishop Joel Baylon at ng mga pari ng diyosesis na hindi na kailangang liwanagan ang Bulkang Mayon dahil likas na itong maganda at kamangha-mangha.

Anila, ang paglalagay ng ilaw sa mga dalisdis ng bulkan ay hindi maituturing na pagpaparangal kundi panghihimasok sa likas nitong kalagayan.

“Mayon does not need to be lighted up. She needs to be left alone. Mayon is already one of the most magnificent expressions of God’s creation—not because of what we add to her, but because of what she already is,” ayon sa pahayag ng Diyosesis ng Legazpi.

Ipinahayag din ng diyosesis ang labis na pagkabahala sa paggamit ng pondo ng bayan, lalo na’t patuloy na kinakaharap ng mga residente ng Albay ang kakulangan ng kuryente, mahinang imprastraktura, at kaunlarang magpahanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad.

Sa halip, iminungkahi ng lokal na simbahan na ilaan ang pondo sa mas makabuluhang proyekto tulad ng pagpapailaw sa mga kalsada sa lalawigan at mga pamayanan upang maiwasan ang mga aksidente sa gabi at mapigilan ang krimen.

Binigyang-diin din ng diyosesis ang pangangailangang tugunan ang mas malalalim na suliranin sa lalawigan tulad ng quarrying, pagtatapyas ng mga bundok, at hindi makatarungang paggawa ng mga kalsada–mga proyektong madalas isinasagawa nang walang konsultasyon o pahintulot mula sa mga apektadong pamayanan.

“We urge our leaders to listen—not only to experts and environmentalists, but to the people who live in the shadow of this volcano… Let Mayon remain as she is: mysterious, beautiful, and free. Let us light up instead our communities with justice, sustainability, and truth—not floodlights aimed at a volcano that never asked for them,” giit ng Diyosesis ng Legazpi.

Kasunod naman ng pahayag ng diyosesis, inanunsyo ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ang pagbawi sa P500-milyong proyekto, bilang tugon sa mga pangamba ng mga stakeholder at ahensya ng pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 113,562 total reads

 113,562 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 207,589 total reads

 207,589 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 251,858 total reads

 251,858 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 274,967 total reads

 274,967 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 344,856 total reads

 344,856 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 148,177 total reads

 148,177 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top