Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Medical frontliners, kinilala at pinasalamatan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 307 total views

Kinilala at pinasalamatan ng Archdiocese of Manila ang mga frontliners sa iba’t ibang larangan sa patuloy na paglilingkod sa mamamayan sa kabila ng mapanganib ng banta ng coronavirus pandemic.

Ayon kay Archbishop Jose Cardinal Advincula, hindi matatawaran ang sakripisyo ng mga tinaguriang bagong bayani ng lipunan na sumuong sa panganib para lingapin ang pangangailangan ng kapwa.

“Kasama ng pagpaparangal na ito ay ang taus-pusong pasasalamat sa inyong paglilingkod; sa inyong walang sawa walang pagod at buong katapatang paglilingkod ngayong panahon ng pandemya” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Batid ng Arsobispo ang malaking sakripisyo ng bawat frontliners lalo na ang healthcare workers na itinaya ang sariling buhay at maging buhay ng kanilang pamilya sa ikabubuti ng lahat at pagiging bayani sa digmaan ng COVID-19.

Isang Misa ang ginanap sa San Felipe Neri Parish sa Mandaluyong City nitong September 15 kasabay ng Kapistahan ng Our Lady of Sorrows na inialay para sa mga medical at service frontliners ng pamayanan.

Tinuran ni Cardinal Advincula na bukod sa pasasalamat ng mamamayan sa serbisyo ng mga frontliners ay higit ding nagpapasalamat ang Diyos sa kanilang paglilingkod sa kapwa.

“Ang Diyos din nagpapasalamat sa inyo [frontliners] by your services, you are not only doing us a favor, you are also doing God, a favor; nagpapasalamat ang Diyos sainyo [dahil] ang ginagawa ninyo ay hindi lamang trabaho, ang ginagawa ninyo ay misyon,” ani Cardinal Advincula.

Paliwanag ng Arsobispo pinili ang bawat frontliners upang gawin ang mahalagang tungkulin at maging instrumento ng Diyos sa pagtupad ng kanyang gawain sa sanlibutan.

Hinangaan din ni Cardinal Advincula ang mga frontliners na nagpapatuloy sa paglilingkod sa kabila ng kakulangan ng benepisyong natatanggap.

“Maraming salamat dahil kahit may mga pagkakataong hindi naaappreciate ang inyong ginagawa, kahit hindi naibibigay ang nararapat na benefits para sa inyo, kahit kulang ang suporta na natatanggap ninyo, patuloy pa rin kayo sa paglilingkod; thank you for saving many lives, thank you because the services you provide you keep many of us safe,” giit ng Cardinal.

Batay sa ulat makatatanggap ng 5, 000 pisong special risk allowance ang mga healthcare workers mula sa mahigit isang bilyong pisong inilaan ng pamahalaan.

Kabilang sa mga inimbitahang frontliners at ginawaran ng pagkilala sa pagdiriwang sina Mandaluyong Mayor Menchie Abalos, CDR Ruel GC Nicolas PN, PBGen Leo Francisco, Supt. Alberto De Baguio, Dr. Nerisa Isabel Sescon, Virginia Rey RN, Arra Perez, Melchor Peralta, Sherwin Erfe, Clare Frances Nolasco, Rowena Payumo, Fr. Raymond Tapia at Fr. Hector Canon.

Bukod sa panalangin at pagbabasbas ni Cardinal Advincula sa mga frontliners, nag-alay din ng panalangin, kandila at binasbasan ang mga nasawing medical at service frontliners dahil sa COVID-19.

Dalangin ni Cardinal Advincula ang katatagan at magandang kalusugan ng bawat isa sa pagganap ng tungkuling pangalagaan ang pangangailangan ng mamamayan lalo ngayong panahon ng pandemya.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 4,898 total views

 4,898 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 10,653 total views

 10,653 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 17,916 total views

 17,916 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 25,901 total views

 25,901 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 33,436 total views

 33,436 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Norman Dequia

Drones na gagamitin sa search at rescue operations, inilunsad

 2,950 total views

 2,950 total views Hinimok ni Pope Francis ang mamamayan na gamitin ang makabagong teknolohiya sa kapakinabangan at kabutihan ng kapwa. Kaugnay nito tiniyak ng DJI Enterprise Philippines ang patuloy na pagpaunlad sa mga kagamitang makatutulong sa lipunan kasabay ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Ayon kay DJI Director Garrick Hung, makatutulong ang drones sa pagpapatupad ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mag-asawa, hinimok na maging huwaran sa mga anak

 3,233 total views

 3,233 total views Hinimok ng Archdiocese of Cebu Commission on Family and Life ang mga mag-asawa na magsilbing huwaran sa lipunan lalo na sa kabataan upang maisakatuparan ang habambuhay na pagsasama. Sa ginanap na ikawalong Archdiocesan Couples’ Day kasabay ng kapistahan nina Saints Louis at Zelie Martin ang magulang ni St. Therese of the Child Jesus,

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kapayapaan, patuloy na ipinagdarasal ni Pope Francis

 3,307 total views

 3,307 total views Patuloy na ipinapanalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kaayusan at kapayapaan ng buong daigdig. Sa Angelus na pinangunahan ni Pope Francis hiniling nito ang pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria para sa kahinahunan ng puso ng mga biktima ng karahasan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito rin ay kaugnay sa pagdiriwang ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

 6,391 total views

 6,391 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan. “To hope is to believe in something good. But

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Day of prayer for WPS, isasagawa ng Archdiocese of Lingayen Dagupan

 6,399 total views

 6,399 total views Maglulunsad ng Day of Prayer for the West Philippine Sea ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Pangasinan. Ito ang hakbang ng arkidiyosesis para isulong ang mapayapang pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ipinabatid ng St. John the Evangelist Parish sa Infanta Pangasinan na mahalagang palakasin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inanyayahan sa National Fatima convention

 6,932 total views

 6,932 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion. Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City. “Marian devotees, members of church organizations (Fatima and

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Isabuhay ang halimbawa ng Birhen ng Antipolo, habilin ng Obispo sa mga deboto

 6,955 total views

 6,955 total views Nagpasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga debotong nakiisa sa pilgrimage season ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Sa pagatatapos ng Ahunan sa Antipolo nitong July 9,binigyang diin ng obispo ang paalalang bukas-palad na tinanggap ng Mahal na Birhen ang bawat debotong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio, suportado ng CBCP

 7,977 total views

 7,977 total views Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng Archdiocese of Lipa na maging international shrine ang National Shrine of San Padre Pio sa Santo Tomas Batangas. Sa ginanap na press conference ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na sinang-ayunan ng buong kalipunan ang aplikasyon ng pambansang dambana

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cagayan de Oro, nagpapasalamat sa matagumpay na 128th-CBCP plenary assembly

 8,117 total views

 8,117 total views Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pastoral exhortation sa 5-dekada ng Alay Kapwa Program, hiniling ng Caritas Philippines sa CBCP

 8,124 total views

 8,124 total views Isinusulong ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpapalabas ng pastoral exhortation sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa program ng simbahan. Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mas pinalawak nito ang programang Alay Kapwa upang higit na makapaglilingkod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 national shrines, itinalaga ng CBCP

 8,428 total views

 8,428 total views Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtalaga ng national shrine ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches Quezon City at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte. Ginawa ang pag-apruba sa dalawang national shrines sa bansa sa unang araw ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 paring Cebuano, itinalaga ni Pope Francis sa Vatican

 10,802 total views

 10,802 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang dalawang Cebuanong pari sa mga tanggapan ng Holy See sa magkakaibang lugar. Inihayag ng Archdiocese of Cebu ang pagtalaga ni Pope Francis kay Msgr. Jan Thomas Limchua bilang Counselor of the Apostolic Nunciature ng Kingdom of The Netherlands habang Attache ng Apostolic Nunciature of Ivory Coast naman

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panalangin, hiling ng Obispo sa ika-128 CBCP plenary assembly

 11,318 total views

 11,318 total views Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa matagumpay na pagpupulong ng mga obispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairperson, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalaga ang panalangin ng mananampalataya para sa makabuluhan at mabungang pagtitipon na makatutulong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagpapanibago ng puso ng mga taong nagsusulong ng digmaan, panalangin ni Pope Francis

 12,033 total views

 12,033 total views Hiniling ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ang pagpapanibago ng puso ng mga taong patuloy na nagsusulong ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ito ang bahagi ng panalangin ng santo papa sa lingguhang general audience sa Vatican sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo na tinaguriang Sacred Heart of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Parangalan si Pope Francis, panawagan ng Papal Nuncio sa mananampalataya

 14,871 total views

 14,871 total views Inaanyayahan ng opisyal ng Vatican ang mga Pilipinong makiisa sa taunang pagdiriwang ng Pope’s Day sa June 29, 2024. Sa panayam ng Radio Veritas kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, inihayag nitong ito ang pagkakataong gunitain sa pamamagitan ng panalangin ang malaking tungkulin na ginagampanan ng santo papa sa simbahang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top