Memorial museum sa mga Hudyo, itinayo ng Diocese of Assisi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,017 total views

Itatayo ng Diocese of Assisi sa Italy ang mahalagang ‘Memorial Museum’ upang alalahanin ang naging pagliligtas ng ibat-ibang pastol ng simbahan at indibidwal sa mga Hudyong nangangailangan ng tulong noong World War II.

Ayon sa Diocese of Assisi, papasinayaan ito sa Santuario della Spogliazione na bahagi ng kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng gawaing pinamagatang “For a Geography of Memory, from welcome to Brotherhood, a Path to Peace”.

Ayon kay Marina Rosati ng Diocese of Assisi at Curator ng Museo, paraan din ito upang alalahanin na naging ligtas na lugar ang Diocese of Assisi para sa mga Hudyong nangailangan ng matutuluyan noong lumala ang paniniil at pagpatay sa mga Hudyo at iba pang lahi dahil sa rasismo noong mga panahon ng World War II na nagtagal ng mahigit pitong taon.

“We have developed a project, entitled ‘For a geography of memory:
Assisi is the driving and operational center of charity and peace in the church
we will launch on the occasion of this event and which is the fruit of the desire to do
learn about positive experiences in one of the most tragic periods in history
contemporary who saved Jews, fleeing soldiers, military internees and
political opponents of the regime,” ayon sa mensahe ni Rosati na ipinadala ng Diocese of Assisi sa Radio Veritas.

Papasinayaan ang Museo sa November 30 sa pangunguna nila Diocese of Assisi Bishop Domenico Sorrentino.

Ito ay upang higit na alalahanin sa pamamagitan ng simbahan at kasaysayan ang paghihirap na dinanas ng mga biktima ng paniniil noong World War II sa Germany at ibat-ibang bahagi ng mundo.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, umabot sa 1,200 mga Hudyong mula sa Europa ang natulungan ng Pilipinas noong World War II upang makahanap ng matutuluyan o bagong tahanan matapos ang malawakang paniniil at pagpatay dahil sa kanilang paniniwala.

Nagtagal ito sa pagitan ng 1937 hanggang 1941 sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ni Former President Manuel L. Quezon sa American Politician at Diplomat na si Paul McNutt.

Ang malawakang pagpatay sa mga Hudyong taga Europa noong World War II ay tinatawag na ‘Holocaust’, ipinag-utos ito ng Nazi German Regime sa pamumuno ni Adolf Hitler.

Ayon sa Statista, umabot sa anim na milyong hudyo ang ipinapatay sa Holocaust dahil sa paniniwala ni Hitler at ng Nazi German Regime na sinisira ng mga Hudyo ang ‘Aryan Race’ na ayon kay Hitler ay mas angat at maayos na uri ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 47,618 total views

 47,618 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 53,747 total views

 53,747 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 83,889 total views

 83,889 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 103,242 total views

 103,242 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 121,720 total views

 121,720 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Magnifica Humanitas, pinuri ng EOF

 4,799 total views

 4,799 total views Pinuri ni Economy of Francesco Foundation Scientific Coordinator – Luigino Bruni ang kauna-unahang encyclical ni Pope Leo XIV na pinamagatang Magnifica Humanitas, na

Read More »

Donation campaign, isinagawa ng CWS

 6,821 total views

 6,821 total views Idinadaos na ng Church People Workers Solidarity o CWS ang donation drive para sa may tatlong-libong pamilyang nasunugan sa Parola Compound Binondo Manila.

Read More »
Scroll to Top