Paghahari ng kababaang-loob sa pagitan ni PBBM at VP Duterte, dasal ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,787 total reads

Hiniling ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mamamayan na ipagdasal ang mga lider ng bansa sa gitna ng patuloy na bangayan ng kampo nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., at Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Cardinal Advincula, sinabi ng arsobispo na ang nangyayaring political storm sa mga matataas na lider ng bansa ay magdudulot lamang ng pagkaubos ng enerhiya na dapat gamitin sa paglilingkod sa pangangailangan ng mga Pilipino.

“I humbly exhort you all to pray for them that they may receive the grace to exercise statesmanship in most trying times so that sobriety may prevail in our land, and that political issues and personal interests may not divide the nation,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Binigyang diin ng cardinal na mahalagang may pagkakaisa ang mga lider lalo’t patuloy bumabangon ang mga Pilipino sa epekto ng magkakasunod na malalakas na bagyo.

“It is our prayer that they may have the humility to listen to each other with respect and act together for the sake of the country. I also ask all the leaders of good will from different sectors of our society to do what they can to prevent the escalation of political and personal conflicts,” ani ng cardinal.

Umaasa si Cardinal Advincula na magkaroon ng kababaang loob at kahandaang makinig upang magkasundo ang magkatunggaling panig.

“Let us all pray for forgiveness and reconciliation, never doubting God’s grace and love for His people,” dagdag ng arsobispo.

Sa isang mensahe ni Pope Francis sa Worldwide Prayer Network hiniling nito sa mananampalataya na ipanalangin ang mga political leaders na maging mabuting katiwala sa pamumuno sa nasasakupan at patuloy na gampanan ang mga tungkulin para sa kabutihan ng lahat at integral human development lalo na ang pagbibigay pansin sa mga mahihinang sektor ng lipunan tulad ng mga dukha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 77,559 total reads

 77,559 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 172,317 total reads

 172,317 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 216,585 total reads

 216,585 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 239,694 total reads

 239,694 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 311,337 total reads

 311,337 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top