Pagiging mahinahon sa lahat ng pagkakataon, panawagan ni Bishop Santos kaugnay sa road rage sa Antipolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,435 total reads

Nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa lahat na pagnilayan ang kahalagahan ng mahabang pasensya at kahinahunan sa bawat pagkakataon.

Kasunod ito ng insidente ng road rage sa Boso-Boso, Antipolo City, Rizal nitong March 30, 2025, na humantong sa pamamaril, kung saan 3 ang sugatan, kabilang ang kasintahan ng suspek, habang isa naman ang nasawi.

Binigyang-diin ng obispo na ang matinding galit ay maaaring humanton sa matinding pinsala sa buhay, na maaaring hindi na maibalik.

“This moment calls for deep reflection on the consequences of anger unchecked—a force that blinds, burns, and leaves lives shattered in its wake,” panawagan ni Bishop Santos.

Hinimok ni Bishop Santos ang lahat na alalahanin ang mga aral ni Kristo–na maging mapagpasensya, maunawain, at mahabagin sa halip na magpadala sa bugso ng damdamin.

Ipinaalala rin ng obispo na ang mga hamon sa araw-araw, tulad ng matinding trapiko sa kalsada, ay susubukin ang pasensya, ngunit maaari ring maging pagkakataon upang ipakita ang kabutihan at pagpipigil sa sarili.

Nagpasalamat naman si Bishop Santos sa Antipolo City Police, sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Ryan Manongdo, para sa mabilis na pagkilos upang mahuli ang suspek at mapanumbalik ang kaayusan.

Dalangin ng obispo na nawa’y manaig ang kapayapaan at kagalingan sa mga apektado ng nangyaring trahedya.

“As we pray for the swift recovery of those injured, let us also pray for the conversion of hearts—may anger give way to peace, and may peace reign in our homes, our roads, and our lives,” dalangin ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 110,555 total reads

 110,555 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 248,552 total reads

 248,552 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 364,328 total reads

 364,328 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 480,327 total reads

 480,327 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 243,917 total reads

 243,917 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top