Mga botante, pinayuhan ni Cardinal Advincula na maging matalino sa pagboto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,079 total views

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na pagnilayang mabuti ang karakter at uri ng kandidatong pipiliin sa nalalapit na 2022 national and local elections sa Mayo 9, 2022.

Sinabi ng Kardinal na mahalagang maging matalino ang mahigit 60-milyong botante sa paghalal ng mabubuting lider sa kapakinabangan ng lipunan lalo’t maraming hamon ang kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan.

“As we prepare for the coming elections, I invite everyone to undergo the process of discernment towards collective active response. This entails immersing ourselves in our socio-political realties and responding pro-actively in light of the principles of Catholic Social Teachings,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Inihayag ng Arsobispo na mabisang batayan sa national discerment sa pagpili ng lider ng bansa ang panawagan ni Pope Francis na ‘better politics’ kung saan nakatuon sa kabutihan ng bawat nasasakupang mamamayan.

Bilang kristiyanong mananampalataya inaasahan ni Cardinal Advincula ang pagiging ‘maka-Diyos kaya makabayan’ ayon na rin sa pahayag ng Santo Papa na ‘social charity’ o ‘political charity’.

Ipinaliwanag ng Kardinal na kaakibat ng mga katangiang nabanggit ang kahandaang maglingkod ng tapat sa bayan, magsusulong ng tunay na pagbabago tungo sa isang maunlad at kaaya-ayang pamayanan.

“During this turning point in our nation’s history, may our love for country be an authentic expression of our discipleship in Christ,” ani ng Kardinal.

Sa paggunita ng ika – 150 anibersaryo ng pagiging martir ng mga paring GOMBURZA nanindigan ang Manila clergy sa pagiging ‘maka-Diyos kaya makabayan’ sapagkat magkaugnay ang pagmamahal sa Diyos at bayan.

“True heroism is borne of holiness, and true holiness issues into service for justice,” dagdag ng Arsobispo.

Sa kasalukuyan, pinalalakas ng Archdiocese of Manila ang Catholic E-Forum ng ‘One Godly Vote’ campaign sa pangunguna ng Radio Veritas katuwang ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at Catholic Media Network na layong tulungan ang mga botante na kilalanin ang mga kandidato sa pagkapangulo, bise presidente at senador.

Patuloy na ipinapanalangin ni Cardinal Advincula ang mamamayan na sa tulong ng Espiritu Santo ay maihalal ang wastong lider na magtataguyod sa kabutihan ng bayan.

“We particularly pray for our people as we choose our next leaders this coming May. We ask our fellow Filipinos to be ‘maka-Diyos kaya makabayan,’ to discern their choice well and prefer leaders who embody and promote the values of the Kingdom of God,” giit ni Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 4,180 total views

 4,180 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 32,531 total views

 32,531 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 100,261 total views

 100,261 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 123,412 total views

 123,412 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 193,311 total views

 193,311 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top