Mga guro, pinasalamatan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 754 total reads

Pinasasalamatan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga guro na malaki ang ginampanan sa paglinang ng kaalaman ng mga kabataan.

Sa pahayag ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles sa Radio Veritas, kinilala nito ang bawat sakripisyo ng mga guro upang hubugin ang kabataan para sa mas maayos at maunlad na pamayanan.

“Today we celebrate National Teachers’ Day. As a people we show our sincere gratitude and appreciation in a very special way today to our teachers for their constant sacrifice and dedication in fulfilling their very crucial role in our society – the educational formation of our young people,” pahayag ni Archbishop Vallles sa Radio Veritas.

Bilang pakikiisa sa mga guro,nag-alay ng panalangin sa banal na misa sa mga simbahan noong October 3 para sa patuloy na paggabay at kaligtasan ng bawat guro sa lipunan.

Nagbigay pugay din ang arsobispo sa determinasyon ng mga guro sa panahon ng pandemya na gumagawa ng mga hakbang upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan gamit ang online at blended learning na malaking hamon sa bawat isa.

Dahil dito, iginiit ni Archbishop Valles ang kahalagahan ng panalangin para sa katatagan ng bawat guro lalo’t kabilang ang kanilang sektor sa mga service frontliners na nahaharap sa iba’t ibang uri ng panganib bukod sa lumaganap na coronavirus.

“We know that these days, with the ongoing pandemic, our teachers are fulfilling their role in very difficult circumstances. We need to encourage our teachers. We pray to the Lord to give them strength, and to give them joy, the joy that comes from selfless serving and giving,” ani Archbishop Valles.

Sa tala ng Department of Education halos isang milyon ang mga kawani sa sektor ng edukasyon kung saan mahigit sa 800-libo rito ay pawang mga guro.

Patuloy din ang paghahanda ng Pilipinas sa inaasahang pilot testing ng limited face-to-face classes sa piling 120 paaralan sa bansa partikular sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19.

Hinimok ng opisyal ng CBCP ang bawat mamamayan na idalangin sa Panginoon ang katatagan ng bawat guro na hindi lamang naglilinang para maging makabayan subalit higit sa lahat ang pagiging maka-Diyos ng mga kabataan.

“We commend them to the Lord; that the Lord may continue to guide and strengthen them, to inspire them to be not only Maka- Tao at Maka-Bayan; not only to be Maka-Kalikasan in the manner they teach, but we pray too, that our teachers will always be Maka- Dios in the way they educate our young people,” giit ng arsobispo.

Tuwing ikalima ng Oktubre ginugunita ang World Teachers Day para parangalan ang bawat guro na katuwang ng mga magulang sa paghuhubog ng mga kabataan at maging kapakipakinabang na mamamayan sa mga susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 70,151 total reads

 70,151 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 148,760 total reads

 148,760 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 182,208 total reads

 182,208 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 217,505 total reads

 217,505 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 441,189 total reads

 441,189 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top