Mga hamon ng flexible learning

SHARE THE TRUTH

 1,127 total views

Mga Kapanalig, dahil sa hindi pa rin epektibong pagkontrol sa COVID-19, nananatiling sarado ang mga paaralan. Hindi pa rin nakababalik ang mga estudyante sa kolehiyo sa kanilang mga eskuwelahan, at hanggang sa ngayon ay nag-aaral pa rin sa pamamagitan ng tinatawag na “flexible learning.” Ang flexible learning ay maaaring online, offline, o blended. Sa online, kailangan ng mga gadgets at internet. Sa offline, binibigyan ang mga estudyante ng modules o mga video at audio na maaaring ilagay sa mga tinatawag na storage devices. Kombinasyon naman ng online at offline ang blended learning.

Para kay Commission on Higher Education chair Prospero de Vera, ang flexible learning na ang magiging norm o kalakaran sa pag-aaral ng mga nasa kolehiyo. Huwag na raw asahan ang pagbabalik ng mga nakasanayang face-to-face na klase sa mga silid-aralan. Kung babalik daw sa tradisyunal na pamamaraan ng pag-aaral, masasayang daw ang naging investment ng pamahalaan at ng mga unibersidad sa teknolohiya, pagsasanay ng mga guro, at pagsasaayos ng mga pasilidad. Layunin daw ng patakarang ito ng CHED na iwasang malantad ang mga mag-aaral, kanilang mga guro, at iba pang nagtatrabaho sa mga eskuwelahan sa panganib na dala ng panibagong pandemya sa hinaharap.

Sa kabila ng paliwanag na ito ng CHED, may mga grupo ng mga kabataan ang nagsabing hanggang ngayon ay hiráp pa rin ang maraming mag-aaral, pati na sa kolehiyo, sa flexible learning. Wala mang malinaw na bilang kung ilan sa mga nasa kolehiyo ang sinasabing nahihirapan, hindi maitatangging napakalaking hamon ang ibinunga ng pandemya sa pag-aaral ng mga estudyante. Kahit pa sa mga may internet sa kanilang bahay, napakahirap ng online learning dahil sa bagal na internet sa Pilipinas. Sa sampung bansa sa ASEAN, pang-anim ang Pilipinas sa tinatawag na mobile at broadband speeds. Mahal din ang internet sa ating bansa: ang average cost of broadband per megabit sa isang buwan sa Pilipinas, ayon sa pag-aaral, ay nasa 0.75 dolyar (o 36 na piso), lubhang mataas kumpara sa 0.04 dolyar sa Singapore at 0.12 dolyar sa Thailand.

 

[smartslider3 slider=21]

 

Online man o offline, mahirap din para sa mga estudyante ang mag-aral sa kanilang bahay. Kailangan nilang gumawa ng mga gawaing bahay. Siguradong may ilang nasa tinatawag ding toxic family environment. Hindi rin lahat ay may komportable at tahimik na espasyo upang makapag-concentrate. Malaki rin ang epekto sa kanilang mental health ng takot na dala ng COVID-19 at ng kawalan nila ng pagkakataong makasama ang kanilang mga kaibigan.

Ilan lamang ito sa mga mabibigat na dahilan kung bakit hindi nakatutulong ang naging pahayag ng CHED na “flexible learning will be the norm.” Magiging epektibo lamang ito para sa mga mag-aaral na may kakayanang magpatuloy ng kanilang pag-aaral kahit wala sa paaralan. Ang katotohanan, napakarami sa ating kabataan ang walang ganitong pribilehiyo, kaya’t hindi na tayo magtataka kung may mga pipiliing huminto sa pag-aaral at maghanap na lang ng trabaho, kung may makita man sila.

Sabi nga sa Catholic social teaching na Laborem Exercens, lubhang napakahalaga ng edukasyon para sa paglago ng tao. “Higit na mainam sa ginto ang magkaroon ng karunungan,” wika pa sa Mga Kawikaan 16:16. Ang edukasyong natatanggap sa kolehiyo ang humuhubog sa mga mamamayang tutugon sa mga tunay na pangangailangan ng lipunan katulad ng mga guro, doktor, at iba pang propersyonal. Ngunit kung may mga napagkakaitan ng pagkakataong makatungtong sa kolehiyo dahil sa mga balakid na dala ng mga patakaran sa edukasyon, tayo, bilang isang lipunan, ang mawawalan din.

Mga Kapanalig, sa halip na tuluyang isara ang pinto ng mga paaralan, sana ay mag-isip ang pamahalaan ng paraan upang ligtas nang makabalik ang ating mga estudyante.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 527 total views

 527 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 38,337 total views

 38,337 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 80,551 total views

 80,551 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 96,100 total views

 96,100 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 109,224 total views

 109,224 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 12,921 total views

 12,921 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 528 total views

 528 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 38,338 total views

 38,338 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 80,552 total views

 80,552 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 96,101 total views

 96,101 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 109,225 total views

 109,225 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 123,171 total views

 123,171 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 107,335 total views

 107,335 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 126,440 total views

 126,440 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 133,094 total views

 133,094 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 130,445 total views

 130,445 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »
Scroll to Top