Mga Pari, pinaalalahanan sa cremation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 913 total reads

Pinaalalahanan ng Diyosesis ng Kidapawan ang mga lingkod ng simbahan at nasasakupang mananampalataya sa kasagraduhan ng katawan ng tao.

Muling naglabas ang diyosesis ng pastoral instruction hinggil sa cremation ng mga labi alinsunod sa Canon Law at mga atas ng Congregation for the Doctrine of the Faith.

Nilinaw ng simabahan na hindi ito tutol sa pagsunog ng mga labi sapagkat hindi ito makakaapekto sa kaluluwa ng tao.

Gayunman, iginiit ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na hindi dapat makalalabag sa makakristiyanong pamamaraan ng paggalang sa mga pumanaw.

“The Church still prefers the practice of burying the bodies of the deceased, becuase this shows a greater esteem towards the deceased. Nevertheless, cremation is not prohibited, unless it was chosen for reasons contrary to Christian doctrine,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Sinabi ng obispo na bilang kristiyano ay nararapat gagawin ang cremation ng mga labi matapos ang liturhiya sa pagpaparangal sa yumao at pagbabasbas maliban lamang kung ang pumanaw ay nahawaan ng COVID-19 kung saan maaring gagawin ang funeral rites matapos ang pagsunog ng mga labi.

Mahigpit ding ipinagbabawal ng simbahan ang pagkalat ng abo ng mga yumao sa karagatan o saanmang lugar maging ang paglagay sa mga mementos, kuwintas at iba pang bagay na maituturing pagsasantabi sa dignidad ng yumao.

Hindi rin pinahintulutan ng simbahan ang pananatili ng abo ng yumao sa mga tahanan o paghahati-hatiin ng mga kaanak.

“When cremation of the body has been chosen, the ashes of the faithful must be laid to rest in a sacred place, that is a cemetery or, in certain cases, in a church or an area, which has been set aside for this purpose, and so dedicated by the ecclesial authority. This is to ensure that the faithful departed is included in the prayers and remembrance of the family and the Christian Community,” saad pa ng obispo.

Matatandaang sa ilalim ng 1917 Code of Canon Law mahigpit na ipinagbabawal ng simbahan ang cremation maliban lamang sa mga ‘extreme cases’ tulad ng mga biktima ng trahedya at salot.

Taong 1963 lamang ng alisin ng simbahang katolika ang cremation ban kasabay ng paglalabas ng mga alintuntuning itinakda ng Congregation for the Doctrine of the Faith.

Sa 60-libong nasawi ng COVID-19 sa Pilipinas halos isandaang porysento rito ang isinailalim sa cremation bilang hakbang sa pag-iingat na kumalat ang virus

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 85,647 total reads

 85,647 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 119,608 total reads

 119,608 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 154,908 total reads

 154,908 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,178 total reads

 381,178 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,056 total reads

 270,056 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top