Mga Pari, Tagapagpalaganap ng Kapayapaan at hindi Karahasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 381 total views

Nararapat na masusing suriin ng Pamahalaan kung ano ang nag-udyok sa paglala ng pamamaslang sa Lipunan.

Ito ang tugon ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona ang National Chairman ng CBCP NASSA/Caritas Philippines sa usaping aarmasan ang mga Pari bilang proteksiyon sa sarili.

“Ganun kalala ang sitwasyon dumarating sa puntong pati yung mga hindi dapat mag-armas, nagdadala na rin sila, dapat i-focus sa what triggers the situation dahil ba break down of law, hindi na nareresolve ang sitwasyon,” pahayag ni Archbishop Tirona sa Radio Veritas.

Sinabi ng Arsobispo na dapat ding makinig ang pamahalaan sa mga usaping umiiral sa lipunan lalo na ang krimen.

Dahil dito, nanindigan ang Arsobispo na tutol ito sa panukalang aarmasan ang mga Pari dahil ang mga Pari ay tagapagpalaganap ng kapayapaan.

“Kung ang pari ngayon ay nagsisipag-aarmas grabe na ang sitwasyon di ba, biruin mo pati ang taong simbahan at siyempre kung that will justify the priest will carry arm I would say NO.” dagdag ng Obispo.

Naniniwala rin si Bishop Tirona na mahalaga ang pakikipagdayalogo upang pag-usapan ang mga suliranin ngunit dapat susundan ito ng tiyak na pagkilos upang tuluyang malutas ang anumang suliranin.

“Ang dialouge is hindi lang a matter of talking, dialouge is always in relation to action.” pahayag ni Archbishop Tirona.

Ang usaping pag-aarmas ng mga Pari ay kasunod ng sunod-sunod na insidente ng Pagpaslang at Pamamaril sa mga lingkod ng Simbahan kung saan 3 Pari ang nasawi sa loob ng anim na buwan habang isa ang sugatan at nakaligtas sa kamatayan.

Unang biktima ng pamamaslang si Rev. Fr. Marcelito Paez ng Jaen Nueva Ecija noong ika – 4 ng Disyembre ng nakalipas na taon, sumunod naman si Fr. Mark Anthony Ventura noong ika – 29 ng Abril at huling napaslang si Fr. Richmond Nilo na binaril sa altar ng Nuestra Seniora dela Nieve Chapel sa Mayamot Zaragosa noong ika – 10 Hunyo.

Habang nakaligtas naman si Fr. Rey Urmeneta na binaril ng riding in tandem noong ika – 6 ng Hunyo sa Calamba Laguna.

Samantala, tutol din si San Pablo Bishop Buenaventura Famadico sa nasabing panukala kahit ito ay para sa Seguridad ng kanilang buhay habang naglilingkod sa Simbahang Katolika.

Read : Proteksyon ng mamamayan, misyon ng PNP

Naninindigan din si CBCP Vice President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na ang pag-alay ng buhay ng isang Pari ay pagtupad sa kalookan ng Panginoon.

Read: Pag-alay ng Buhay, Pagtupad sa kaloob ng Diyos.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 87,457 total views

 87,457 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 131,065 total views

 131,065 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 213,357 total views

 213,357 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 223,714 total views

 223,714 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top