Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga Pilipino dumudugo at sugatan na sa kawalan ng katarungan at laganap na katiwalian

SHARE THE TRUTH

 25,836 total views

Nanawagan si Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon sa mga mananampalataya na ipagpatuloy ng ang laban para sa katarungan, kabutihan ng bayan, at malasakit para sa bayan, sapagkat ang pag-ibig sa bayan at sa Diyos ay hindi naihihiwalay sa tunay na diwa ng pananampalataya.

Ito ang bahagi ng mensahe ng Arsobbispo na siya ring chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth sa naganap na lokal na bersyon ng Trillion Peso March ng Arkidiyosesis ng Caceres bilang pakikiisa ng mga Bicolano sa pambansang panawagan laban sa sistematikong korapsyon at para sa mabuting pamamahala sa bansa.

Giit ni Archbishop Alarcon, kaakibat ng pananalangin sa Mahal na Ina ng Peñafrancia ang pagkilos para sa Inang Bayan, sapagkat ang debosyon ay hindi lamang sa pananampalataya kundi dapat makita sa paglilingkod, pagtupad ng tungkulin, at sakripisyo para sa ikabubuti ng nakararami.

“It is our prayer, at yun yung paulit-ulit nating sinasabi, ng ating pagdedibusyon, habang tayo ay lumalapit kay Ina, at humahalik kay Ina, at pinapahiran ang kanyang manto, tayo din, pinapahiran din natin, ang ating inang bayan at mga kapatid ng ating mga sakripisyo. Ipinakikita at nais nating ipakita ang ating debosyon sa ating paglilingkod, pagtupad ng ating tungkulin at pagbibigay ng ating sarili upang umulad ang ating bayan ng pagbabago,” pagtatapos ni Archbishop Alarcon.
Pagbabahagi ni Archbishop Alarcon, mahalaga ang patuloy na pagkakaisa ng bawat mamamayan upang sama-samang manalangin at kumilos upang gisingin ang malasakit para sa Inang Bayan.

“Ngayon, we are gathered still with our Lady, our Mother, and with Jesus, the Divino Rostro. But there is another Lady because of whom we gather. That Lady is our Motherland. Ang inang bayan. Tayo’y natitipon para sa inang bayan. At tayo din ay natitipon para sa mga anak niya,” Bahagi ng mensahe ni Archbishop Alarcon.

Bilang pangunahing layunin ng pagtitipon, ibinahagi ng Arsobispo ang tatlong mahalagang dahilan ng kanilang pagkilos: ang pagiging seryoso sa kalagayan ng bayan, ang pagpapatuloy ng laban sa katiwaliang nagaganap sa lipunan, at ang pagtatalaga ng sarili para sa pagsisimula ng positibong pagbabago.

“Una, because nais nating ipahayag, tayo, seryoso din naman tayo dito. Hindi lang tayo nakikipaglaro, hindi tayo nagmamasid lamang. Dumudugo na tayo and we want to be serious about this. The second, we are here because we want to sustain. Tapos na yung rally sa Maynila at iba pang lugar. Pero di tayo pumayag na hindi natin maipahayag ang ating ding nararamdaman. We want to sustain. We want to continue. The battle will be long. And the third, I believe, because we want to commit ourselves,” Dagdag pa ni Archbishop Alarcon.

Inihalintulad din ni Archbishop Alarcon ang kalagayan ng sambayanan sa imahen ng Divino Rostro kung saan inihayag ng Arsobispo na ang sambayanang Pilipino dumudugo at sugatan na rin dahil sa kawalan ng katarungan at sa patuloy na katiwalian sa bayan.

“The Divino Rostro, mga kapatid nating dumudugo. Mga kapatid natin, ang kanilang mga sugat ay katulad ni Lazaro in the gospels, the dogs licked his wounds. Ganon din, marami sa ating mga kapatid ang dumudugo. Dumudugo na ang bayan natin. And because of that, we have come together. We have come together to express our disappointment, our disgust, our sadness. We have come also together to pray,” Ayon pa kay Archbishop Alarcon.

Kinilala at binigyang diin naman ng Arsobispo ang mahalagang papel ng mga kabataan na tanda ng pag-asa para sa mas makatao at makatarungang lipunan.

Pinasalamatan din ni Archbishop Alarcon ang lahat ng mga nakiisa sa pagkilos at nagpamalas ng aktibong pakikibahagi sa pagpapakita ng paninindigan para sa katotohanan at katapatan sa pamahalaan.

“I am very grateful to you all, especially our young people. I see many young people. You are here today because you care. And not only the young, but also the once young. Those of our mothers, brothers, and sisters. You are here… I believe you who are here, those of you who have participated, those of you who are watching, we have love for our country. And that little candle that you lit, that little light and little voice that you carry with you is what we need. Let us unite them all together so that we may express our voice, our love for country, our love for country, our love for God, and our love for Ina,” dagdag ni Archbishop Alarcon.

Naganap ang lokal na bersyon ng pagkilos na tinaguriang ‘Trillion Peso March sa Kabikolan: Aldaw Nin Pamibi Ki Ina’ noong unang araw ng Oktubre, 2025 sa Peñafrancia Basilica Minore Grounds sa Naga City na dinaluhan ng mga kabataan, mag-aaral mula sa Katolikong paaralan at mga mamamayan mula sa iba’t ibang antas ng lipunan kasama ang mga lingkod ng Simbahan.

Matatandaang nataon ang naganap na National Day of Protest and Indignation Against Corruption sa mismong araw ng kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia na siyang patron ng Bicol region noong ika-21 ng Setyembre, 2025 habang ipinagpaliban naman ang orihinal na petsya ng pagsasagawa sa gawain noong ika-25 ng Setyembre, 2025 bilang pag-iingat sa pananalasa ng Bagyong Opong sa rehiyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 100,762 total views

 100,762 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 165,890 total views

 165,890 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 126,510 total views

 126,510 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 187,968 total views

 187,968 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 207,925 total views

 207,925 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top